Arci Muñoz says Piolo Pascual understands her loner personality

IMAGE Noel Orsal

Arci Muñoz on how Piolo Pascual looked after her during Kapamilya stars' trip to Hawaii: "Si Papa P, siya pa yung nagtse-check sa akin, 'Hoy, Mons! Tara dito ka. Sumama ka sa amin.' Kasi nga alam niya na lagi akong mag-isa... Inaalagaan niya ako. Sobra kong na-appreciate. Kaya love na love ko talaga siya."


Inamin ni Arci Muñoz, 29, na sa lahat ng naging leading man niya ay pinakamalapit sa kanyang puso si Piolo Pascual, 41.

“Love ko talaga si Papa P, e. I love him. I love his heart. I love him as a person,” pauit-ulit na sabi ni Arci.

Hindi raw makakalimutan ni Arci ang pag-aalaga ni Piolo sa kanya, lalo na nang magkasama sila sa Hawaii tour ng ABS-CBN Sunday variety show na ASAP noong July.

Dito napatunayan ng aktres ang pagiging sensitive ng matinee idol, na kabisado na raw ang one-of-the-boys personality niya.

“Si Papa P lang nakaka-hang out ko, e. Siya lang yung artista na, ‘Papa P, sa’n ka? Sama! Gimik!’ Ganyan.

“Tsaka ang galing. Nung nasa Hawaii kami, alam niya na may pagka-loner ako pag ano…

“Though makulit ako, madaldal. Pero kasi, ewan ko, sobrang weird ko, hindi nila ako nasasakyan.”

Ilan sa Kapamilya stars na kasama sa #ASAPinHonolulu ay sina Kim Chiu, Bela Padilla, Ogie Alcasid, at Robi Domingo.

May pagkakataong nakasama ni Arci ang mga ito, base na rin sa Instagram post niya noong July 22.

I love you. Hawaiian shirts and mojitos!!! ???????????? #asapinhonolulu

A post shared by Arci Munoz (@ramonathornes) on

Kung tawagin ni Piolo si Arci ay sa palayaw ng dalaga na "Mons," habang "Papa P" naman ang tawag niya sa aktor.

Kuwento pa ni Arci tungkol sa bonding nila ni Piolo sa Hawaii, “Si Papa P, siya pa yung nagtse-check sa akin, ‘Hoy, Mons! Tara dito ka. Sumama ka sa amin.’

“Kasi nga alam niya na lagi akong mag-isa.

“'Tapos itse-check niya ako. ‘Halika, kumain ka na. Sumama ka sa amin. Ime-message niya ako.

“Inaalagaan niya ako. Sobra kong na-appreciate. Kaya love na love ko talaga siya.”

HAVING PIOLO AS A FRIEND

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arci sa finale presscon ng Since I Found You, na ginanap sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN ELJ Building sa Quezon City, ngayong Martes, August 7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakali ay may posibilidad bang mahulog ang loob niya kay Piolo?

Sagot ni Arci, “May girlfriend ba si Papa P ngayon? Parang huwag na lang.

“E, kasi pag naging girlfriend niya ako, pag nag-break kami, hindi kami okay.”

Dagdag ni Arci, liliit lang ang kanyang ginagalawan sa oras na makipagrelasyon siya sa isang katrabaho at mauwi lang ito sa hiwalayan.

“Mahirap! Ayoko ng showbiz dyowa! Mamaya pag nakasalubong mo, magkakailangan, ayoko.

“I’ll keep him as my very good friend."

Hindi raw nakapagtataka na maraming nagmamahal kay Piolo.

Dahil sa tagal nito sa industriya ay nananatiling magiliw ang aktor sa lahat ng mga taong nakakasalamuha, mga katrabaho man o sa fans.

Nangunguna pa raw si Piolo sa pagbati sa tao sa tuwing may mall show ang cast ng Since I Found You.

“Minsan nakatitig lang ako, ganyan. Nag-iisip ako, ‘Grabe itong tao na ‘to, 'no? Naabot niya yung ganitong klaseng level.’

“Naisip niya yun na siya yung pupunta sa tao. 'Tapos kami, ‘Parang nakakahiya naman. Halika, sumama tayo. Bakit si Papa P nandun?’

“Grabe, iba, e. Genuine talaga yung ginagawa niya, nasa puso.”


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN