Naranasan daw ng ABS-CBN actress na si Sue Ramirez na tawagin siyang malandi at ma-objectify dahil lang sa pagsusuot ng swimsuit.
Lumikha ng ingay ang Instagram post niya, kung saan nakasuot siya ng two-piece, noong April.
Marami ang nag-like sa picture, pero nakatanggap din siya ng pamba-bash.
Paliwanag ni Sue, “Nag-swimming kasi ako, so nag-two-piece [ako].
"At ang daming nag-like, at na-appreciate nila yung pagpipigil ng kain ko sa L.A.
“I don’t really think it’s a big deal.
"I don’t really sexualize my body at all, wala po akong malisyang klase ng tao.
"It’s just [that] everybody has a body."
Aminado si Sue ma na-objectify siya dahil dito.
“Malandi daw ako kasi naka-two-piece ako.
"Wow! Okay, sige. Thanks po," pahayag ng Star Magic artist sa press conference ng kanyang upcoming movie, Ang Babaeng Allergic sa WiFi, na official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino.
Ginanap ang presscon sa Prime Hotel sa Quezon City, ngayong Miyerkules, August 8.
Ano ang reaksyon niya na binibigyan ng malisya ang pagsusuot niya ng bikini?
“Siguro yung mga pag-o-objectify ng mga tao, wala, e. Wala na tayong magagawa. Palalampasin na lang natin.
“We could hope for the better na sana they could find the positivity inside themselves para mas may magandang sabihin or mas magandang pagtuunan ng pansin.”
Pinapatulan pa ba niya ang mga ito?
Sagot ni Sue, “Hindi po, hindi na po.
"Parang nagsabi na lang ako na, ‘Please stop sexualizing my body. Stay positive na lang sa mga tao na nagko-comment.’”
Tampok din sa Ang Babaeng Allergic sa WiFi sina Jameson Blake, Markus Paterson, Miss Boots Anson-Roa, Yayo Aguila, Kiko Matos, at Lee O’Brian mula sa direksiyon ni Jun Robles Lana.
Ipapalabas ang pelikula sa August 15.