Tiniyak ni Jameson Blake na naka-recover na siya matapos maging isyu ang paghingi niya ng free artwork kapalit ng shout out.
“I’m okay now after what happened. It was just for a week.
"Normal naman yun sa industry, yung mga bashing.
“The only thing I can do is just keep silent and let it die out,” sabi ng 21-year-old Kapamilya actor sa press conference ng pelikulang Ang Babaeng Allergic sa WiFi, official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018.
Ginanap ang presscon sa Prime Hotel sa Quezon City nitong Miyerkules, August 8.
Ayon kay Jameson, nag-detach muna siya sa social media nang mangyari ang isyu.
“Actually, ang ginawa ko, I deleted my social media for a week.
"So it’s kind of weird, kasi parang yung character ko for this movie, hindi siya nagso-social media.
“Na-affect din ako. The first few days, at least, medyo I was feeling down.
"Ayokong lumabas. Nasa condo lang ako."
Malaki raw ang pasasalamat ni Jameson dahil may mga kaibigan siyang nagpakita ng suporta noong mga panahong iyon.
Noong July, nag-tweet ang Hashtagas member na nangangailangan siya ng artist na puwedeng gumawa ng art work para sa kanyang social media accounts.
Sa halip na monetary payment, shout out daw mula sa aktor ang magiging kabayaran para sa serbisyo ng artist.
Ikinagalit ito ng graphic artists dahil tila minaliit daw ni Jameson ang kanilang kakayahan.
NO BAD INTENTIONS
Gaya ng paghingi niya ng sorry nang pumutok ang isyu, muling idiniin ni Jameson na wala siyang intensiyong makasakit ng damdamin ng ibang tao.
Saad niya, “I don’t have intention of downgrading anyone. I was just asking for a favor, so maybe they found it offensive.
“And siguro that’s just their perspective, that’s their opinion sa tweet ko.
“If they would just analyze clearly, wala naman akong bad intention sa tweet ko.
"Maybe they were just having a bad day or something."
Kung tutuusin daw ay mas may malalaking problema na dapat pinagtuunan ng pansin kesa i-bash siya dahil sa kanyang tweet.
“We’re still people. Just because artists kami or celebrities kami, public figure, yung mga ibang tao they have the right to bash us like that. Di dapat ganun.
“Actually, they should look at themselves muna before sila magsalita,” sabi ni Jameson.
Pero marami raw siyang natutunan sa nangyari.
“It taught me a lesson kung paano i-handle ang ganung situation, since I had a taste of bashing ng ibang tao.
“Ngayon, I’ll just be aware of what will I say.”