Sue Ramirez describes relationship with Joao Constancia as "unofficially kami"

IMAGE Photo from Sue Ramirez's Twitter / Noel Orsal

Sue Ramirez admits special relationship with BoybandPH member Joao Constancia but clarifies they are not yet officially together. "Coz it really does po take time. Hindi naman pupuwedeng madaliin ang mga bagay-bagay," she explains.


Hindi ikinakaila ni Sue Ramirez na may espesyal na namamagitan sa kanila ng BoybandPH member na si Joao Constancia.

Pero nilinaw ng Kapamilya actress na hindi pa sila opisyal na magkarelasyon.

“Unofficially kami. Lumalabas po kami, alam naman po siguro ng lahat,” pahayag ni Sue sa presscon ng kanyang upcoming movie na Ang Babaeng Allergic sa WiFi, na ginanap sa Prime Hotel sa Sct. Esguerra, Quezon City, nitong Miyerkules, August 8.

Bakit hindi pa sila officially together?

Sagot ni Sue, “May mga bagay siguro po na hindi minamadali.

"Yung nagti-take kayo ng time na kilalanin niyo ang isa't isa, tsaka yung wala kayong pressure.

"Hindi niyo kailangan i-push yung isa't isa para gawin ito para sa isa't isa."

Ano ang estado nila ni Joao?

“Happy. Happy together,” sagot ng aktres.

Sa kanyang tinuran at sa nakikitang sweetness nila, parang sila na.

“Alam niyo na yun,” nakangiting sabi ni Sue.

Kung ganun, bakit hindi pa nila ginagawang opisyal ang kanilang relasyon?

Paliwanag ng dalaga, “'Coz it really does po take time. Hindi naman pupuwedeng madaliin ang mga bagay-bagay.

“Hindi naman po porke masaya kayong magkasama, e, tatawagin ang isa't isa boyfriend and girlfriend.

"Hindi naman po yon ganun kadali.

"Yun nga, sa panahon ngayon, sobrang bilis na sobrang fast-paced na ng lahat."

Patuloy ni Sue, “May mga bagay na talaga na hindi puwedeng madaliin.

"We cannot rush ourselves into things na dahil lang gusto natin, gagawin na natin lahat.

“Masyadong bara-bara ang mga desisyon na ganun.

“Take the time to know the person. Gawing foundation ang friendship, gawing foundation yung trust and respect.”

Ipalalabas sa mga sinehan ang pelikulang Ang Babaeng Allergic sa WiFi simula sa August 15.  


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN