Inisnab nga ba ng major local TV networks ang pagdalo ni Kris Aquino sa world premiere ng Hollywood film na Crazy Rich Asians?
Ginanap ang red-carpet premiere sa TCL Chinese Theatre sa Los Angeles, California, noong August 7 (US time).
Isa sa mga dumalo rito si Kris, na may special role sa pelikula.
Nitong Huwebes, August 9, nag-post si Kris sa Instagram ng kanyang pagbabalik sa Pilipinas.
Sa comments section, isang netizen ang bumati kay Kris.
Pero kasabay nito ay naglabas ng sama ng loob ang IG follower kung bakit wala raw coverage ang dalawang major networks—ang ABS-CBN at GMA-7—sa dinaluhang event ni Kris.
Tanong pa ng netizen: "Are they under restraint and control? By their management? Or by invisible force?"
Sumagot dito si Kris.
Pahayag ng 47-year-old TV host-actress, masaya na siyang ma-feature sa sikat na online site ng isang sikat na international fashion magazine, isang local TV network (TV5), at online sites (kabilang ang PEP.ph).
“Wag na maging negative,” sabi ni Kris.
“Walang mabuting dulot ang magalit or magtampo sa bawat perceived snub… ang importante maraming Filipinos worldwide felt good seeing me represent our country.”
Dagdag pa niya, “WE can accomplish so much more by promoting those we love & those who generously support rather than giving attention to those who don’t appreciate us…”
Sumang-ayon naman ang followers ni Kris sa kanyang statement.
Ngunit taliwas sa akusasyon ng netizen, na-feature ang pagdalo ni Kris sa international red-carpet premiere ng Crazy Rich Asians sa ilang news and public affairs programs ng ABS-CBN at GMA-7.