Gretchen Ho clarifies "heartbroken" tweet not about Robi Domingo

by Nerisa Almo
Aug 10, 2018
Gretchen Ho clarifies recent Twitter post: "Not everything is about him, my dear. and who says I'm not happy?"

Mahigit isang taon na ang nakararaan nang maghiwalay sina Gretchen Ho at Robi Domingo, pero hindi pa rin maiwasan ng ilang fans na iugnay ang dating magkasintahan sa isa't isa.

Katulad na lamang nang mag-post si Gretchen sa Twitter ng “Heartbroken and Humbled” ilang araw na ang nakalilipas.

Bagamat wala siyang anumang tinukoy sa kanyang tweet, isang Twitter user ang sumagot sa Umagang Kay Ganda host: “You'll move on from it. Maging happy ka nalang for him.”

Agad naman nilinaw ni Gretchen na mali ang iniisip ng netizen tungkol sa post niya.

Aniya, “Not everything is about him, my dear :) and who says I'm not happy?”

Sa thread ng post na ito, makikitang humingi ng paumanhin ang netizen at tinanggap naman ito agad ni Gretchen.

Sa naunang tweet ni Gretchen, may hinuha ang ilang netizens na maaaring tungkol ito sa naranasan niyang pagnanakaw sa London, kung saan nag-cover siya ng isang cycling event kamakailan.

Continue reading below ↓

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, na nailathala noong August 2, natangay ang bag ni Gretchen habang nagsusukat ng damit sa isang shop sa Oxford Street.

Ang nanakaw na bag ni Gretchen ay naglalaman ng pera, passport, cellphone, at ilang pang mahahalagang dokumento.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Ho clarifies recent Twitter post: "Not everything is about him, my dear. and who says I'm not happy?"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results