Enchong Dee admits fling with someone in one of his travels abroad

IMAGE @mr_enchongdee on Instagram

ABS-CBN actor Enchong Dee says having a fling while travelling is normal for someone of his age. 


Para kay Enchong Dee, normal ang pagkakaroon ng fling, lalo na sa kanyang edad, at puwedeng mangyari ito kahit sa isang trip abroad.  

Tinanong ang 29-anyos na Kapamilya actor tungkol dito sa guest appearance niya sa Tonight With Boy Abunda nitong Huwebes, August 9.

Diretsang tanong ng host na si Boy Abunda, “Totoo ba na at one point, nagka-fling ka in one of your travels? Do you go for one-night stand?"

May halong birong sagot ni Enchong, “I don’t rem… of course. Hahaha!”

Muling ibinalik ni Boy ang tanong kung ano ang nangyari sa naka-fling ni Enchong sa isa sa trips niya abroad.

“Not exactly fling, pero siguro hindi mo ma-avoid iyan, like, sometimes you go out, you party and you meet other people, and that’s normal, especially for my age,” sagot ng aktor.

Hindi raw siya naghahanap nito, pero hindi rin niya ito tinatanggihan.

“I think it’s not part of my consciousness when I travel. Kumbaga, if it happens, it happens.

“I think it’s hypocrite for me to say na, ‘No, we don’t do that.’ Come on!”


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN