Sinagot ni Catriona Gray, Miss Universe-Philippines 2018, ang isang netizen na tinawag siyang "boring" at "monotonous" dahil sa caption ng isang post niya sa social media.
Kamakailan kasi ay nag-post si Catriona sa Instagram tungkol sa pagkakapili sa kanya bilang ambassador ng isang awards-giving body na nagbibigay parangal sa mga tao at organisasyon na tumutulong upang iangat ang mga buhay na apektado ng HIV-AIDS epidemic.
Caption ng beauty queen sa kanyang post: “So honoured to also be appointed as the ambassador of the 2018 Love Gala and Ripple Awards. If you know of an individual, organization or project that has geniunely moved people towards uplifting the lives of those affected by the HIV-AIDS epidemic and has created a ripple of positive change in the community, you can nominate them for the 2018 Ripple Awards.”
Nag-react ang isang netizen sa comments section.
Aniya, hinahangaan niya ang pagiging matalino ni Catriona pero kung paulit-ulit lang daw ang sinasabi ng isang tao ay nakakabagot ito.
Bahagi ng caption ng netizen: “Don't get me wrong I admire how smart you are, but if I could hear someone always saying the same thing over and over again in an interview or text, it sounds boring and monotonous.”
Sinagot ito ni Catriona.
Sabi niya, hindi raw mahalaga kung paulit-ulit ang kanyang ginagamit na salita.
Ang mahalaga raw ay makabuluhan ito.
Bahagi ng kanyang sagot: “And whatever words I use: uplifting, empowering, making a difference—all familiar to the ear, but hugely relevant none the less.”
Ipinagtanggol naman si Catriona ng kanyang mga fans.