Iñigo Pascual slams basher linking him to G-Force dancer

by Rachelle Siazon
Aug 12, 2018
Iñigo Pascual laughs off netizen's allegation that he has a secret romance with G-Force dancer Sam Libao.

Hindi pinalampas ni Iñigo Pascual ang alegasyong mayroon siyang lihim na relasyon sa G-Force dancer na si Sam Libao.

Sa Instagram feed ni Iñigo noong August 10, isang basher ang nagsabing sinundan niya si Sam sa Siargao upang makipagkita rito.

Nakita pa raw ng basher na parehong nakasuot ng pulang damit sina Iñigo at Sam noong araw na iyon.

Sabi pa nito, "Yes si g force sam ang tototoong jowa ni inigo at di si maris love pa nga ang tawagan nila at pareho pa sila naka red kahapon."

Ngunit mariing pinabulaanan ni Iñigo ang diumano'y lihim na pakikipagrelasyon niya kay Sam.

Inihayag din ni Iñigo ang suspetsa na papalit-palit lang ng Instagram account ang basher na pilit na naninira sa kanya.

Buwelta ni Iñigo sa basher, "Hahahaha funniest thing ive seen all day! I had a mall show in Nueva Ecija...

"pang 50th account na ata to ah. Salamat sa pagmamahal mo. Solid ka."

Continue reading below ↓


RELATIONSHIP WITH MARIS

Si Iñigo, 20, ay bukas sa pag-aming mahal niya ang kapwa-Star Magic artist niya na si Maris Racal, 20.

Kulang na lang ay tuluyan nilang aminin na opisyal na silang magkarelasyon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Maris noong Mayo, sinabi niyang "mej" na sila ni Iñigo.

Sinang-ayunan ito ni Iñigo at hiniling na sana ay palagi silang maging masaya ni Maris.

Popssss hahah

A post shared by Inigo Dôminic Pascual ???? (@inigopascual) on

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Inigo Pascual, Maris Racal
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iñigo Pascual laughs off netizen's allegation that he has a secret romance with G-Force dancer Sam Libao.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results