Loisa Andalio moves on from alleged rift with Maris Racal

IMAGE Instagram: @mariestellar / @iamandalioloisa

Loisa Andalio (right) clarifies that her alleged rift with Maris Racal (left) is just a petty issue, which was blown out of proportion by their fans: "Actually, wala naman kaming problema ni Maris."


Magkatabi sina Maris Racal at Loisa Andalio bago sila sumalang sa taped production number sa ASAP noong nakaraang Linggo, August 8.

Patunay lamang ito na kung anuman ang nabalitang tampuhan ng dalawa ay mukhang natuldukan na at naayos.

Read: Maris Racal admits misunderstanding with Loisa Andalio due to rivalry issue

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Loisa, nilinaw ng aktres na para sa kanya ay wala naman talagang namagitang problema sa pagitan nila ng kapwa Kapamiya aktres.

“Actually, wala naman kaming problema ni Maris, kaya nga kinausap niya ako, 'Loisa, bakit ka nagtweet-tweet?'

“Sabi ko, 'Paano nagulat ako, pagkagising ko, nakita ko may problema tayo na di ko alam.'

“Sabi niya, 'Wala yun, teaser lang yun.'

“Sabi ko, 'Okay.'

“'Tapos, after that, okay na kami.”

BUSY WITH SECOND ALBUM, MOVIE

Wala pang pinagkakaabalahang serye sa ngayon si Loisa, na huling napanood sa The Good Son.

Habang wala pa siyang regular show, abala siya sa kanyang album at sa pelikulang iprinodyus ng Cinema One Originals.

Masaya niyang balita, “Okay naman, heto nagsyu-shooting ako ng Hospicio and may nire-record akong mga kanta for my second album.

“Sobrang excited, kasi first time kong nagre-record ng mga kanta, and siyempre overwhelmed ako sa binibigay sa akin ng management.”

FIRST LEAD ROLE IN MOVIE

Pagkukuwento pa ng Kapamilya aktres, bukod sa ito ang kauna-unahang lead role niya sa isang pelikula, mga bigatin din ang mga artistang kasama niya dito.

Pahayag niya, “Hospicio sa Cinema One Originals.

“Kasama ko dun mga theater artists na sobrang bibigat.

“Siyempre, nape-pressure din ako.

“At the same time, nakakatuwa, kasi ang babait nila and napaka-professional ng mga kasama ko dun.

“First time na lead role.

“Actually, ito ang first movie ko na lead role, so I'm happy and excited.

“Siyempre it yung first na gagawin ko na lead na solo lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kinakabahan ako na happy talaga kasi sobrang bait ni Lord.”

OFFBEAT ROLE

Pinagmalaki sa amin ng aktres na kakaiba ito sa mga nagawa na niyang proyekto.

“Thriller/suspense.

“Basta sobrang kakaiba yung istorya kasi di ba, nakikita ako ng mga tao na pa-tweetums, loveteam-loveteam?

“Ngayon, makikita nila ako na di pa-sweet.

“Isang character na addict ang role ko rito.

“Siyempre ang mga addict napupunta sa rehab, 'tapos dito sa rehab may mga kakaibang nangyayari.

“Dun magsisimula ang kuwento sa loob ng rehab, kasi yung Hospicio siya yung rehab wellness center.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN