Sharon Cuneta posts birthday messages for Marian Rivera, Iza Calzado

IMAGE Instagram

Sharon Cuneta (left) took to Instagram today, Sunday, August 12, to post special birthday greetings to good friends and fellow actresses Marian Rivera (center) and Iza Calzado (right).

 


Ganado si Sharon Cuneta sa pagbigay ng mensahe sa birthday celebrants na sina Marian Rivera at Iza Calzado.

Sa kanyang Instagram account, binati ni Sharon ang inaanak niya sa kasal na si Marian na nagdiriwang ng kanyang 34th birthday ngayong Linggo, August 12.

Biniro pa ni Sharon si Marian kung puwedeng mahiram ang abs nito para sa pictorial ng bagong pelikula ng Megastar.

Sabi ni Sharon, "Happy Birthday to my beautiful and sexy inaanak, @marianrivera Marian! (Pahiram ng abs isang pictorial lang. hahaha!)

"May God bless you always. Thank you for loving KC and me! Tons of love, Ninang."

Sa comments section, nagpasalamat si Marian sa mainit na pagbati mula sa Megastar.


May mensahe rin si Sharon sa Kapamilya actress na si Iza na nagdiriwang din ng kanyang 36th birthday ngayong Linggo.

Sabi ni Sharon, "Happy birthday, beautiful Izza! Stay as kind and sweet as you are. Love you and God bless you, sweetie!!! @missizacalzado"


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN