Yassi Pressman recalls fun bonding moments with Coco Martin and half sister Cara in London

IMAGE @motherbibs_arboleda on Instagram

Yassi Pressman (left) recalls great bonding moments with Ang Probinsyano co-star Coco Martin (center) and her half sister Cara while they were in London: "Sobrang cute, sabi niya [Cara], sobrang bait nga raw ni Coco. Si Coco naman, sabi ni Ate, sobrang bait. Ang cute nga nila, nagkukuwentuhan sila. Nanood siya 'tapos sumama siya sa amin sa pamamasyal."


Kinilig ang marami sa mga fans nina Coco Martin atYassi Pressman nang lumabas ang video kung saan personal na na-meet ng Ang Probinsyano actor ang nakatatandang half sister ni Yassi na si Cara.

Nag-show sa London ang cast ng Ang Probinsyano bilang pasasalamat sa mga The Filipino Channel (TFC) fans na patuloy na sumusuporta sa pinagbibidahang serye.

Kuwento ni Yassi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News noong nakaraang Linggo, August 5, sa set ng ASAP, kapwa nagkagaanan ng loob ang dalawa at sumama pa sa pamamasyal nila si Cara.

Lahad niya, “Sobrang cute, sabi niya [Coco], sobrang bait nga raw ni Cara.

“Si Coco naman, sabi ni Ate, sobrang bait.

“Ang cute nga nila, nagkukuwentuhan sila.

“Nanood siya 'tapos sumama siya sa amin sa pamamasyal.

“Pinayagan ni Sir Deo [Endrinal, ABS-CBN executive] kaya super thankful ako kay Sir Deo.”

WARM RECEPTION IN LONDON

Labis naman ang pasasalamat ng aktres sa nakita niyang mainit na pagtanggap sa kanila ng mga kababayan natin sa London.

Kuwento niya, “Nagpunta kami sa London bilang pasasalamat namin sa mga Kapamilya natin na sumusuporta sa Ang Probinsyano.

“Ikatlong taon na namin.

“Last year, di kami nakarating dahil may trahedyang nangyari, marami na rin ang naka-recover.

“At least, this year nakapunta na kami.

“Sobrang saya, sobrng daming tao, na-suprise kami. Masaya kami na napasaya namin sila.”

THE SAGA CONTINUES

Sa patuloy na consisent high ratings ng Ang Probinsyano, matunog ang balitang hanggang sa susunod na taon pa eere ang serye.

“Happy, blessed, thankful.

“Lahat ng yan, sobra-sobra,” pagpapasalamat niya.

Sa ngayon ay nagkabalikan na sina Cardo at Alynna—ang mga karakter na ginagampanan nila Coco at Yassi—at dahil dito ay marami ang kinikilig at natutuwa sa tinatakbo ng istorya ng serye sa ngayon.

“Happy, happy siyempre, mas inspired kaming magtrabaho, inspired kami na gumawa ng kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung bago naming location ngayon iba na naman.

“It's super exciting, super happy, siyempre lagi akong thankful kay Coco.”

Marami nang shows sa ibang mga channels na tumapat sa Ang Probinsyano pero di ito natinag sa puwesto bilang nangungunang primetime show sa kasalukuyan.

Para kay Yassi, palagi silang magpapasalamat sa mga masusugid na tagasubaybay ng serye.

“Ako wala akong masasabi kundi patuloy pa rin kaming nagpapasalamat.

“Sa totoo lang, di kami magtatagal nang ganito kung di dahil sa kanila,” pagtukoy niya sa mga loyal viewers ng kanilang serye.

COCO'S ENDEARING TRAITS

Nang kumustahin namin ang samahan nila ni Coco, panay papuri ang binitawan ni Yassi para sa aktor.

Lahad niya, “Okay naman, super okay.

“Super, super okay!

“Super bait, lahat ng mga good qualities ng isang tao, mayroon si Coco.

“Maalaga, maasikaso. Kung kailangan na ito lang ang ibigay, lagi siyang sumusobra, laging gusto niya magbjgay ng ekstra.”

HAPPY FOR ANDI

Sa isang panayam kay Andi Eigenman ay nabanggit nito na isa sa tinuturing niyang totoong kaibigan sa mundo ng showbiz ay si Yassi.

Hiningan namin ng reaksyon si Yassi sa pagtalikod ni Andi sa showbiz upang mamuhay nang simple sa Baler, Aurora.

Pag-amin niya, “Di ko pa siya nakakausap lately at medyo matagal na pero sa nakikita ko sa Instagram at kung saan man.

“Alam ko kahit dati kung ano ang gusto niya.

“Simple lang din talaga siyang tao.

“Di ko alam kung ano ang state niya ngayon, pero kung ganun, naniniwala ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN