Joshua Garcia admits he was surprised by Julia Barretto-Loisa Andalio dinner meetup

IMAGE @garciajoshuae / @mychosdotcom (CCTO) Instagram

Julia Barretto on unexpected meetup with Joshua Garcia's rumored ex-girlfriend Loisa Andalio: "Sometimes pala ang makaka-connect ng bond between two ladies or two people is when you feel like you can relate to each other. But it's not about Joshua. Siguro meron akong napagdaanan before na parang at that time pinagdadaanan niya. So she just messaged me."


Inamin ni Joshua Garcia na nagulat siya nang makipagkita ang girlfriend niyang si Julia Barretto sa pinaniniwalaang ex-girlfriend ng young actor na si Loisa Andalio.

Tanong ni Joshua nang i-flash ang litrato ni Loisa sa picture challenge ng ABS-CBN late-night show Gandang Gabi Vice, Linggo ng gabi, August 12:

“Anong pumasok sa isip mo at nakipagkita ka kay Julia?”

Magkasamang nakapanayam sina Joshua at Julia ng TV host na si Vice Ganda.

Hirit ni Vice kay Julia, “O! Girl, kinabog ka niya dun! Mas newsworthy yung tanong ni Joshua. Mainit!”

Pagkatapos ay tinanong si Joshua kung okey ba sa kanya o hindi okey na nakipagkita si Loisa kay Julia, base sa kumalat na litrato ng dalawang aktres noong June 1.

Sagot ni Joshua, “Para sa akin naman, kung ano namang gusto ni Julia.

“Siyempre kaibigan pa rin yun [Loisa], e. Tsaka makakasama at makakasama namin yun sa trabaho, makakasalubong namin sa ASAP.”

Kuwento pa ni Joshua, late na niya nalamang makikipagkita si Julia kay Loisa.

“Nagko-computer ako nun. Tinanong ko siya kung saan pupunta. Dinner daw.

"'Tapos tinanong ko kung kanino. Sabi niya, ‘With Loisa.’

“So, ako mismo, nagulat ako. Pero nagpatay-malisya na lang ako.

"Sabi ko sa kanya, ‘Okey, sige, ingat kayong dalawa. Update mo na lang ako.’"

RONNIE ALONTE'S REACTION

Natatawang kinumpirma ni Julia na “casual” lang niyang sinabi kay Joshua na si Loisa ang kikitain niya, dahil pakiramdam niya ay hindi na niya kailangang ipagpaalam pa yun sa binata.

Ngunit naiintindihan daw ni Julia ang reaksiyon ni Joshua dahil maging ang current boyfriend ni Loisa na si Ronnie Alonte ay nagulat sa pagkikita ng dalawang aktres.

“'Tapos dinner kami ni Loisa... Biglang may tumatawag naman na kay Loisa, si Ronnie.

“Si Loisa, parang hindi niya alam kung sasabihin niya ba yung totoo kung ako yung kasama niya o hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"‘Hello? Dinner.’ ‘ Sino kasama mo?’ ‘Julia.’ Tapos sino daw, sinong Julia. ‘Montes!’”

Nagbiro pa raw si Loisa na si Julia Montes ang kasama niyang nagdi-dinner, hanggang sa inamin din ng una na kasama niya si Julia Barretto.

“'Tapos na-shock si Ronnie. After a while, sabi ni Ronnie, ‘A, weird.’

"'Tapos wala, ni-let go rin niya naman. Pinabayaan din kami ni Ronnie at saka ni Joshua."

REASON FOR JULIA-LOISA MEETUP

Sa isang punto ng panayam, biniro ni Vice si Julia kung nakipagkita ba siya kay Loisa noong panahong “hiwalay” sila ni Joshua.

Gulat na reaksiyon ni Julia, “What?! What?! Ang sakit mo rin sa puso minsan, 'no?”

Pagkatapos ay inihayag ni Julia na si Loisa ang nag-initiate na magkita sila.

“Sometimes pala ang makaka-connect ng bond between two ladies or two people is when you feel like you can relate to each other.

“But it’s not about Joshua. Siguro meron akong napagdaanan before na parang at that time pinagdadaanan niya.

“So she just messaged me. She asked me kung puwede kaming magkita.

“Yun, nag-uusap-usap kami. So, parang dinner time hanggang madaling-araw kami nag-usap. Shinare niya sa akin, ‘yan.”

?????? ???? CTO

A post shared by mychosdotcom (@mychosdotcom) on

Sina Joshua at Loisa ay naging malapit na magkaibigan nang maging housemates sila sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: All In noong 2014.

Napabalita ring lihim silang magkarelasyon, ngunit natuldukan din sa hindi malamang dahilan.

Makailang-beses din silang naging magkatambal sa ilang TV projects.

Naging magka-love triangle naman sina Joshua, Julia, at Ronnie Alonte sa 2016 Metro Manila Film Festival entry na Vince & Kath & James. 

January 2017 nang nagsimulang manligaw si Joshua kay Julia, hanggang sa tuluyang maging magkarelasyon ang dalawa.

Sa digital conference ng kanilang pelikulang I Love You, Hater noong Hulyo, tinukoy ni Julia si Joshua bilang "boyfriend."


Stories We Are Tracking

Jerome, Loisa reveal how they overcome awkwardness with exes
Jerome, Loisa reveal how they overcome awkwardness with exes
Marjorie Barretto on JoshLia:
Marjorie Barretto on JoshLia: "They're too sweet!"


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN