Julie Anne San Jose "nothing to hide" about real score with Benjamin Alves

IMAGE Noel Orsal

Julie Anne San Jose on real score with Benjamin Alves: " Alam niyo naman na, e."


Hindi na raw kailangan ng pormal na pag-amin mula kina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves kung ano talaga ang estado ng kanilang relasyon.

Nakangiting sabi ng Asia’s Pop Sweetheart, “Alam mo naman na, e. Alam niyo naman na, e.”

September 2016 unang umamin ang dalawang Kapuso stars tungkol sa kanilang “exclusively dating” status.

Nakangiti pa ring dagdag ni Julie Anne, “Unang una, we have nothing to hide rin naman, so we’re good.”

Samantala, pagkatapos ng graduation niya sa college, binalak ni Julie Anne na magturo ngunit hanggang ngayon ay hindi pa niya ito naisasakatuparan.

“I want to, I really want to. I think, kailangan ko talaga kasi timing talaga,” sabi niya.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne sa trade launch ng Barangay 143 noong Huwebes, August 8, sa may Green Sun Hotel, Makati City.

BARANGAY 143

Excited si Julie Anne sa bagong anime series na Barangay 143, na mapapanood sa GMA-7 ngayong Oktubre, dahil bago raw ito sa kanya.

Saad ng 24-yerar-old singer-actress, “I’m very, very excited kasi bago ito... voice acting.

"And it’s very new to me kasi usually kapag gumagawa ako ng mga teleserye, yung mga soaps, ganun, yung nakikita ako.

"Pero ito, boses ko lang po ang naririnig."

Bukod kay Julie Anne, ang ilan pang bubuhay sa mga karakter sa nasabing anime series ay sina Ruru Madrid, Edu Manzano, Migo Adecer, at marami pang iba.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN