Enrique Gil decides to slow down from work for his family

IMAGE Noel Orsal

Enrique Gil requests for a more relaxed showbiz schedule after Bagani. He explains, "You know, sometimes it just dawns into you that there's more to life than just work. Family is more important."


Personal daw na hiniling ni Enrique Gil sa Star Magic head na si Johnny Manahan, o mas kilala bilang Mr. M, na bigyan siya ng panahong makapagpahinga pagkatapos ng prime time series niyang Bagani.

Sa ginanap na press conference para sa finale ng Bagani noong Sabado, August 11, ipinaliwanag ni Enrique na hiniling niya ito para makasama ang kanyang pamilya.

Kuwento ng 26-year-old actor, “I'll be honest with you, I had a meeting with Mr. M a couple of months back.

"Sabi ko, parang gusto kong mag-relax. You know, parang to change my schedule, hindi katulad ng dati na...

“Kasi when I started, completely, yung schedule ko, hindi na nawala, hindi na nababago.

“Kaya ngayon, as you can see, nawala na ako sa ASAP. Sabi ko, pahinga na muna ako.

“But eventually, I'll get back to it after Bagani. Magre-rest muna ako nang kaunti.”

Dagdag pa ni Enrique, “I just really need rest lang talaga.

"Kasi, from one love team to another and another, parang never akong nagpahinga, lagi akong pine-pair sa lahat.

“So, hangga't nakakasama ko siya [Liza Soberano], dire-diretso rin naman.

“I think it's a blessing, but importante rin ang rest and quality time with my family.

“Kasi, I noticed I've been working so much for my family, pero hindi ko naman sila nakakasama.

"So you have to sacrifice."

FAMILY FIRST

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters matapos ang presscon proper, muling nilinaw ng Kapamilya actor na gusto niyang mas pagtuunan ng pansin ang kanyang pamilya.

Aniya, “Parang na-realize ko na I gave my whole life to ABS-CBN for 10 years.

“Siyempre, tumatanda na rin ang mommy ko. Yung kapatid ko, she's growing up.

“I just felt lang na I lost a lot of years also with them kasi I gave my life to showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After that, I'm not gonna take that away from them. I wouldn't change it for the world naman.

“But, you know, sometimes it just dawns into you that there's more to life than just work.

“Family is more important.

“Alam mo na kailangan mong magtrabaho para sa pamilya mo, pero para sa akin, mas importante minsan ang masakama ang pamilya ko sa kaunting oras lang.”

Gayunman, hindi naman daw ibig sabihin nito na tatanggi na siya sa mga proyektong darating sa kanya.

“Rest, sa schedule ko lang po,” paglilinaw ni Enrique.

“Siguro, schedule-wise, parang siguro nagpatung-patong lang. I just got really tired also.

“Basta we're fixing the scheduling also, na parang hindi ko kaya yung super-super ratsada compared to how many years noong nagsisimula ako.

“Sabi ko, 'Ano lang, Mr. M, relax tayo nang kaunti ngayon.'

“Pero I'm gonna be back sa ASAP, I'm gonna be back and do everything else after Bagani.

“Kailangan ko lang mag-rest nang kaunti.”


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN