Liza Soberano, Enrique Gil to go their separate ways after Bagani

IMAGE Noel Orsal

After Bagani, onscreen love team and rumored couple Liza Soberano and Enrique Gil will do separate movie projects. However, the former revealed there's also a plan for them to do a movie together, "I don't think we'll feel separated kasi mayroon din kaming project na gagawin aside from our solo projects."


Sadya raw huminto muna si Liza Soberano sa shooting niya sa pelikulang Darna para pagtuunan ng pansin ang nalalapit na pagtatapos ng ABS-CBN prime time series na Bagani.

“Narda scenes pa lang po yung nakunan sa akin.

"Right now, they're giving way to Bagani kasi matatapos na po.

“Hindi pa po muna kami nagsu-shoot. But I think as soon as Bagani is finished, magga-grind na po kami,” sabi ni Liza sa entertainment reporters and bloggers na dumalo sa farewell media conference ng Bagani noong Sabado, August 11.

Dahil magiging abala siya sa Darna, ibig sabihin kaya nito ay maghihiwalay muna sila ng kanyang love team partner at rumored boyfriend na si Enrique Gil sa trabaho?

Sagot ni Liza, “Meron pong nasabi sa amin na parang may movie po kaming gagawin.

“But I'm not sure as to when this is going to be showing or when will we start shooting.”

Habang abala si Liza sa Darna, maghahanda na rin si Enrique sa susunod niyang sariling proyekto.

Ayaw pang sabihin ng Kapamilya actor, pero pahapyaw niyang nabanggit na ito ang naging kapalit ng dapat sana'y pagiging bahagi niya ng Darna.

Ani Enrique, “Well, dapat kasama talaga ako [sa Darna]. Nag-meeting na kami, nag-storycon, pero...

“Dapat kasama talaga ako. Maganda yung character, interesting.

“Pero a couple of weeks after, they called me back, sabi nila huwag na ituloy.

"Because they're offering me another project, na mas mabigat naman talaga.

"Basta abangan niyo na lang."

Tinanong si Enrique kung Captain Barbell ito, sagot naman niya, “Hindi ko pa po alam.”

What’s next for #LizQuen after Bagani? Watch this:

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

TEMPORARY SEPARATION

Kung sakali, sinabi nina Liza at Enrique na hindi naman nila mararamdamang maghihiwalay sila sa kani-kanilang mga susunod na proyektong gagawin.

Sabi ni Enrique, “Well, matagal din naman kaming nagsama sa Bagani.

"Magse-separate lang naman because of Darna.

"She'll be shooting Darna. After Darna...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabay singit ni Liza, “I don't think we'll feel separated kasi mayroon din kaming project na gagawin aside from our solo projects.”

Ayon sa dalawa, malamang na gagawin nila ang susunod na project na magkasama sila pagkatapos ng kanilang solo projects.

Sabi pa ni Enrique, “Hindi puwedeng isabay. Mahirap kapag sinasabay kasi yung characters... medyo sanay na rin kami.”


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN