Edu Manzano will not pressure son Luis Manzano to get married

IMAGE Noel Orsal

Edu Manzano on acting again in a teleserye: "Hindi ko nami-miss yung oras kasi siyempre yung puyat, pero andun pa rin yung andun yung mga kaibigan."


Simula pa noon ay hindi raw talaga nangingialam ang beteranong aktor na si Edu Manzano sa desisyon ng kanyang mga anak pagdating sa pag-ibig at kung kailan sila dapat lumagay sa tahimik.

Kahit daw sa panganay niyang anak na si Luis Manzano, 38, na nasa tamang edad na upang mag-asawa, ay hindi niya ito pinagsasabihan.

Pahayag ng Ang Probinsyano actor, “I don’t know. Actually, pagdating dun sa aspetong yun, hinding-hindi ako nakikiaalam sa kanila, dahil nasa tamang edad naman sila, e.

“Kung ano man yun, hindi dapat makialam ang magulang.”

Ayon pa kay Edu, masaya siya na ang tatlo niyang anak ay inunang tapusin ang kanilang pag-aaral bago magsipag-asawa.

Sa tingin ba niya, late na for Luis?

Ayon kay Edu, “Iba na din ang dynamics ngayon, e.

“Yung iba, mas binibigyan muna ng importansiya ang prayoridad, yung kanilang career, yung kanilang mga propesyon.

“Yung iba, gustong handang-handa bago sila... kumbaga tumalon sa kumunoy.

"Gusto nilang maging financially stable, gusto nila na sigurado sila na tama sila para sa isa’t isa.”

Nitong nakaraang Hunyo ay ipinagdiwang ni Luis at girlfriend nitong si Jessy Mendiola, 25, ang kanilang second anniversary.

Pero hindi naman daw minamadali ni Edu si Luis na mag-asawa para magkaapo na siya.

“So, hindi natin kailangang bigyan ng pressure o madaliin, e. So, sa tamang panahon yun.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edu sa trade launch ng bagong anime drama series na Barangay 143 noong Huwebes, August 8.

Si Edu ang isa sa maglalapat ng boses sa isa sa mga karakter ng kauna-unahang anime series sa bansa na ipalalabas sa GMA-7 simula sa October 2018.

MISSING ACTING

Balik sa paggawa ng teleserye si Edu ngayon sa pamamagitan ng ABS-CBN prime time series na Ang Probinsyano.

Aminado ng aktor na na-miss niya ang pag-arte.

Sabi niya, “Oo, actually. Hindi ko nami-miss yung oras kasi siyempre yung puyat, pero andun pa rin yung andun yung mga kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nandun yung mga nakasama mong direktor, yung pressure.

“Maganda din talaga yung pag-arte dahil nailalabas mo yung kung anuman na meron kang mga saloobin, e.

"So, ito ay isang bagay na over 30 years na ako na nasa entertainment industry.

"Siguro, another 30 na lang siguro 'tapos magreretiro na ako."


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN