Idinaan ni Ian Veneracion sa biro ang fake news tungkol sa kanyang umano'y pagpanaw.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ipinost ni Ian ang screenshot ng website na naglabas ng maling balita na nagsasabing namatay siya matapos madisgrasya ang minamanehong motor.
Sa caption, pabirong sinabi ni Ian, “Kaya pala di ako pinapansin ng asawa ko.”
Natawa rin sa post ni Ian ang mga kaibigan at kapwa niyang artistang sina Richard Gomez at Nadia Montenegro.
Comment ni Richard, “Mabuhay ka!!”
Sabi naman ni Nadia, “Sino yung kausap ko kahapon??? Ingat Bro! See you soon! You are covered by the blood of Jesus.”