Sinagot ni Erich Gonzales ang akusasyong ginagamit lang daw niya ang pagkakaibigan nila ni Kris Aquino para umangat ang kanyang showbiz career.
Nagsimula ito nang i-post ni Kris sa Instagram ang pagbisita ni Erich nang magkasakit ang panganay na anak nitong si Josh Aquino noong July.
Sa comments section, isang basher ang tinawag na “user” si Erich dahil dumidikit lang daw kay Kris para sa ratings ng kanyang show.
Kasalukuyang bida si Erich sa ABS-CBN early prime time series na The Blood Sisters, na nasa huling linggo na.
Ipinagtanggol naman ni Kris si Erich mula sa basher at sinabing subok na ang pagkakaibigan nila.
ERICH SPEAKS UP
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Erich sa finale presscon ng The Blood Sisters na ginanap sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN Compound, Quezon City, nitong Lunes, August 13.
Dito ay tinanong namin siya kung ano ang reaksiyon niya sa akusasyong "user" diumano siya.
Sagot ni Erich, “Yung mga negative na kung anuman ang sinasabi ng ibang tao, tanggap ko naman po na may kanya-kanya tayong opinyon. Hindi niyo na yun maaalis talaga.
“Pero for me, siguro what is important, kung anuman yung sabihin ng ibang tao sa inyo, hindi yun dapat magde-define kung anong klaseng tao ka, kung ano ka bilang isang tao.
“May Diyos tayong nakakaalam ng lahat. He knows your heart, He sees everything and the people who really matters to you, knows naman the truth, kung ano yung intention mo and all.
“You don’t have to explain naman kung ano yung gusto mong gawin or what.
“Basta dun sa taong mahalaga sa iyo, don sa taong kilala mo, at kilala ka, yun naman ang importante.
“Yung ibang bagay, hindi na dapat nagma-matter yun kasi, di ba, dun ka na lang mag-focus sa magaganda, sa mga positive na bagay, di ba?
"Kasi life is too para i-stress mo yung sarili mo sa mga bagay na hindi naman dapat.
“Dun ka na lang mag-focus sa lahat ng energy mo, sa talagang karapat-dapat na ika-focus mo."
NO EXCUSE
Aminado ang 27-anyos na Kapamilya actress na matinding pagod ang naramdaman niya sa The Blood Sisters, kung saan ginampanan niya ang tatlong karakter.
Pero paglilinaw ni Erich, “Pag sinabi mong nakakapagod iisipin ng iba, ‘Hmmm! Nagrerekalmo, nagko-complain!’
"Real talk lang talaga siya, ibang klaseng pagod na parang kahit ako po mismo di ko po ma-imagine, ‘Erich, paano mo nagagawa ‘yan?’
“Ay, grabe, thank you, Lord lang talaga kasi sa mga araw na imposible na, alam ko hindi na ako yun. Si God na ang kumikilos sa lahat.
“Parang imposible to memorize your lines sa ganitong oras na grabe na yung ginawa mo the whole day; iiyak ka simula umaga hanggang madaling araw or umaga na.”
Sa kabila raw ng demands ng trabaho, hindi raw bumibitiw sa kanyang mga karakter si Erich.
Saad niya, “Hindi excuse yung puyat ka, wala kang tulog, pagod ka. You have to deliver talaga.
“And I’m speaking for myself, ayokong nasu-short change yung audience natin.
“So, hindi excuse sa akin na may sakit ka or grabe na yung pagod mo, you have to deliver, give your best.”