Kris Bernal prioritizes showbiz career, business over settling down

IMAGE Noel Orsal

Kris Bernal on venturing into business: "Feel ko pinakamaganda, pinakasulit na venture talaga is into business. Kasi I want to take advantage also of the fact that I can use myself to market the business, malaking bagay na siya."


Hindi pa raw handang mag-asawa ang Kapuso actress na si Kris Bernal.

Kahit masasabing may pera at ipon na siya, kailangan pa rin daw niyang magtrabaho muna dahil puro palabas ang nangyari sa kanyang ipon.

Sabi ni Kris, “Not naman mag-asawa but, somehow, maybe I’m planning it after three years.

"Kumbaga, may ganun na akong thinking."

One year na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend at business partner na si Perry Choi, 34.

Pero hindi raw sila nagli-live in.

At 29, masasabi ba ni Kris na financially stable na siya?

Saad niya, “Financial status… Kasi, recently I invested in different stuff, like ito, House of Gogi.

"Di ba, I bought a house in US? And then I’ll be launching a lipstick line sometime late this year.

“Kumbaga, ang laki ng investment ko, yung labas ng pera nitong taon na ito.

“Pero dumadating din kasi sa point, since I’ve been in the industry for 11 years na din, parang yun nga, mapapaisip ka na din na, 'What else can I do aside from being in showbiz and acting?'

“So, feel ko, pinakamaganda, pinakasulit na venture talaga is into business.

"Kasi I want to take advantage also of the fact that I can use myself to market the business, malaking bagay na siya."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling reporters si Kris sa pocket interview nito para sa kanyang bagong show sa GMA-7 na may working title na Mag-asawa, Magkaribal.

Ginanap ang pocket presscon sa bagong bukas na Korean restaurant ni Kris na House of Gogi, sa 55 Dapitan St., Sta. Mesa Heights, Quezon City, ntong Martes, August 14.

QUITTING SHOWBIZ?

Napag-usapan din sa panayam ang tungkol sa pagku-quit sa showbiz at magpo-focus na lang sa business.

Naisip ba ito ni Kris?

Tugon ng aktres, “Di naman ako magku-quit. Siyempre hanggang nandiyan pa yung work, magwu-work ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero gusto ko lang na meron akong ibang pagkakaabalahan, kasi siyempre nakakasira ng ulo yung showbiz, e, kapag yun lang yung iniisip at ginagawa ko, e.

“Tsaka 29 na din ako, hindi na din ako bata na ito at ito lang ang gagawin ko at magpapaka-robot na lang ako and prisoner na parang makikinig na lang ako sa lahat.

“Siyempre, I have my own decisions na din parang I have my own directions na din.”

Hanggang binibigyan daw siya ng shows ng GMA Network, magtatrabaho at magninegosyo ang Kapuso star.

Sa bago niyang show, magiging karibal ni Kris sa pag-ibig ang dating asawa, ngunit ayaw pa nilang ipasulat kung paano ito mangyayari.

Makakasama niya rito si Thea Tolentino at isang aktor na kakalipat lang sa GMA-7 mula sa bakuran ng ABS-CBN.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN