Donita Rose "fully recovered" after divorce from Eric Villarama

IMAGE Noel Orsal

Donita Rose on ex-husband Eric Villarama's apology: "You know, these are things, whether sincere or not, those words that are spoken are powerful. And they do something, they bring healing to the heart."


Tuluyan na raw naka-move on ang TV host-actress na si Donita Rose sa hiwalayan nila ng kanyang ex-husband na si Eric Villarama.

Naghiwalay sila noong 2016 pagkatapos ng halos 12 taong pagsasama.

Biniyayaan ang dalawa ng isang anak na lalaki—si Joshua Paul “JP” Villarama, 14.

Mahirap bang magsimula ulit?

Pahayag ni Donita, “Hugot-tanong yun? Yes.

"Well, I would say that it's difficult, but it's also exciting at the same time.

“My entire life, I’ve been dedicated to serving my family; not just my immediate family, my siblings.

“Siyempre, when I came back to the Philippines, di ba, naghiwalay nga ako, it was really the first time I really focused on myself.

"Like, having my own place na, you know, going back to working out, and just focusing on my son.

“So it was hard at first, but I think I’m fully recovered na.”

Hindi ba siya nag-request ng financial support kay Eric para sa anak nilang si JP?

Diretsong sagot niya, “No. I just don’t want to hold any grudges.

"But the dad, just this year, has offered to help a little bit more [sa tuition].”

Ngayon daw ay magkaibigan na sila ng kanyang ex-husband at wala nang natitirang galit sa kanyang puso para rito.

Aniya, “Oh, yeah, we’re friends na.

"Ang joke lang is, I always say na, ‘Pinatawad ko na yung hayop na iyan!’

"Pero joke lang yun. Joke lang yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng media si Donita sa media conference nito para sa kanyang cooking show na Heart Mate Kitchen Season 2, sa 17th Floor ng GMA Network Center, Quezon City, ngayong Miyerkules, August 15.

Mapapanood ang easy-cooking segment ni Donita tuwing commercial gaps ng Unang Hirit, Wowowin, Sarap Diva, at Kapuso Movie Festival simula ngayong Agosto hanggang Oktubre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RECONCILIATION HIGHLIGHT

Ikinuwento ni Donita sa February 13, 2018, episode ng ABS-CBN morning program Magandang Buhay kung paano niya nahuli ang pangangaliwa ni Eric sa kanya.

Hindi makakalimutan ni Donita ang pangyayari dahil mismong Valentine’s Day nang matuklasan niyang may kinahuhumalingang ibang babae ang asawa sa Amerika.


Stories We Are Tracking

Donita Rose reveals how she discovered ex-hubby's infidelity
Donita Rose reveals how she discovered ex-hubby's infidelity

Ngunit tinatawanan na lamang niya ito ngayon.

Pahayag ni Donita, “Super, super [naka-move on].

“I would say that pinaka-highlight of the reconciliation was Valentine’s Day, this year.”

Marami raw nakapanood sa panayam niya sa Magandang Buhay at ang ilan sa mga ito ay in-add si Eric sa kanyang social media accounts.

Nagtaka raw ang kanyang ex-husband kaya tinawagan nito si Donita.

Dito ay sinabi niya kay Eric na ipinagtapat na niya sa publiko ang rason kung bakit sila naghiwalay.

Lahad ni Donita, “Natandaan niya kasi noon na Valentine’s Day kami naghiwalay, noong nalaman niya na Valentine’s Day yung topic, alam na niya, alam na niya.

“Then he said, ‘You know, I just wanna say that I’m sorry.’

“It was the first time na nag-apologize siya.

"But prior to that, nagsulat ako ng letter para sa kanya, like, almost a year before.

“Even though I could blame him for everything, I wrote him a letter of apology and I said to him that, ‘I’m sorry for all of my shortcomings, ganun, ganun.’

“Pero nung binasa niya, hindi ko nagustuhan nung una yung response niya.

“It was, like, ‘Oo nga, e, parang it took a long time for me to forgive you.’

“So when I read it, sabi ko, ‘Bastos 'to! Parang ako pa yung nag-sorry 'tapos ikaw pa yung [galit].’

“But I let it go. Well, 'God, I let it in your timing. I wrote this letter to release myself of bitterness and forgiveness,' sabi ko, 'Naka-move on na rin ako from that but it took almost a year before he said sorry.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When he said sorry, siyempre medyo nakaraos na rin.

"And then he said, ‘Even though I have moved on in my life, there is not a day that goes by that I don’t regret hurting you.’

“So, naiyak naman ako nang kaunti.  Nabola naman ako.

"You know, these are things, whether sincere or not, those words that are spoken are powerful.

“And they do something, they bring healing to the heart.”

Sa ngayon daw, ready nang umibig muli si Donita.

Nakangiti pa niyang sabi, “Bukas na [ang puso].”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN