Liza Soberano reveals how she stays grounded despite stardom

IMAGE Noel Orsal

Liza Soberano: "In this world, you tend to lose that especially when you're out in front of big crowds every day, it kinda gets into your head. It's also important to know who you are."


Sa kabila ng kasikatan, hinding-hindi pa rin nakalilimot si Liza Soberano sa mga taong nakilala niya bago siya sumikat sa showbiz.

Ito raw ang isa sa mga mahahalagang payo tungkol sa showbiz na lagi niyang tinatandaan hanggang ngayon: “To be someone else outside showbiz, I guess.”

Sa finale media conference ng Bagani noong Sabado, August 11, nabanggit ni Liza na hanggang ngayon ay naglalaan siya ng oras para makipag-bonding sa mga taong malapit sa kanya sa labas ng showbiz.

“I really know how to separate my showbiz life from who I really am.

“Sometimes it's good to feel that you're still human.

“In this world, you tend to lose that, especially when you're out in front of big crowds every day, it kinda gets into your head.

“It's also important to know who you are.

“I do that by hanging out with people that I used to hang out before becoming Liza, when I was Hope.

“I get that when I'm not Liza, people call me Hope because it makes me feel that I am still Hope, and I don't lose that sense of who I really am.”

“WE LOVE EACH OTHER.”

Samantala, malaki naman ang pasasalamat ng Kapamilya actress sa kanyang mga nakakatrabaho.

Sa palagay ni Liza, malaking bahagi sila ng tagumpay ng mga proyektong ginagawa niya.

Kaya naman nang tanungin kung ano ang sikreto ng consistent na magandang ratings ng Bagani, sagot ni Liza, “I really wouldn't say that there's a secret to it.

“Siguro po kasi we really have a good team that help [us].

“Yung bumubuo po ng buong show—from the directors, creatives, mga production staff namin, the other actors—lahat po sila part kung bakit nagiging mataas ang ratings ng bawat show.”

Hindi naman naiwasang makantiyawan si Liza ng co-stars at reporter dahil sa sumunod niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Also, we really love what we do. We love each other,” sabay tingin sa rumored boyfriend at love team partner niyang si Enrique Gil.

Agad na itinuro ni Liza ang kanyang co-stars at directors at muling sinabi, “We love each other.”

Tinanong ni Matteo Guidicelli kung sino ang pinakamahal niya, ngumiti lang si Liza at sumagot ng, “Mahal ko kayong lahat.”

Sa huli, muling idiniin ni Liza na ang magandang samahan nila sa Bagani ang sikreto ng magandang ratings ng kanilang programa.

Aniya, “I guess the happiness that we share, the passion that we all have for our jobs, really conveys what we do for what we love.

“I think everybody enjoys watching our show kaya nagiging mataas ang ratings.”

Ngayong linggo matatapos ang Bagani.

Ito ay papalitan ng Ngayon at Kailanman na pagbibidahan ng love team nina Joshua Garcia and Julia Barretto.


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN