Kris Aquino blasts doubters of her relief work

IMAGE Noel Orsal

Kris Aquino blasts doubters of her relief work in flood-hit Marikina: "Hard earned money ko po ang pinambili ng dinala naming—I wanted to just express my gratitude for all our blessings. My sons & I wouldn't have what we have kung di dahil sa love ng mga tao. GRATITUDE was my motivation."


Matapang ang mga sagot ni Kris Aquino sa mga bintang na publicity stunt at may bahid na pulitika ang ginawa niyang pagtulong sa mga nasalanta ng matinding baha sa Marikina City.

Noong Lunes, August 13, ay nag-post sa Instagram si Kris ng pag-aabot niya ng relief goods sa mga nabiktima ng baha sa H Bautista Elementary School sa Marikina.

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on

Sa comments section, may ilang netizen na pinagdudahan ang charity work ni Kris.

Komento ng netizen: “Just a photo op…”

Hindi ito pinalampas ni Kris.

Sagot niya, “I refuse to be judged & bullied in my territory. Very politely let me say: GET OUT. Kung gusto mo kong siraan have the decency to do it in your own feed. #laban #notobullying”


Nagkomento ang isang netizen na sana raw ay huwag lagyan ng kulay ang pagmamagandang loob ni Kris.

Sagot ni Kris, wala siyang pakialam kung bigyan man ng malisya ang pagkawang-gawa niya dahil sariling pera ang kanyang ginamit sa tumulong.

“Care ko—hard earned money ko po ang pinambili ng dinala naming—I wanted to just express my gratitude for all our blessings. My sons & I wouldn’t have what we have kugn di dahil sa love ng mga tao.”


Hinimok ng isang netizen si Kris na tumakbo siya bilang senador.

Makahulugang sagot ni Kris: “mas okay nang magtrabaho ng marangal at palaguin ang mga negosyo namin para yung pagtulong hindi na pagdududahan pa.”


Sabi pa ni Kris, “I felt correct timing kasi alam ng lahat GRATITUDE was my motivation, not because may campaign or anything…”


Sa isa pang komento ay tiniyak ni Kris na hindi siya tatakbo dahil nakasaad sa kontrata ng kanyang endorsements na bawal siyang pumasok sa pulitika.


 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN