Ngayong araw, August 15, ay nag-post sa Twitter at Instagram si Marvin Agustin ng larawan ng kanyang pitong aso na nasa loob ng sasakyan.
Sabi niya, “In compliance with @MMDA single passenger policy... pwede ba yan???”
Ang kanyang post ay kaugnay ng mainit na pinag-uusapan ngayon ng netizens sa social media—ang High Occupancy Vehicle (HOV) traffic scheme ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) o ang pagbabawal ng driver-only cars sa EDSA.
Ang HOV ay inaprubahan ng Metro Manila mayors na bumubuo ng Metro Manila Council (MMC) ng MMDA.
Layunin nitong mabawasan ang traffic sa Soutbound at Northbound lanes ng EDSA tuwing rush hours (7-10 a.m. at 6-9 p.m.).
Ngayong araw, August 15, hanggang sa August 22, ang dry run sa nasabing panukala kung saan ang mga lalabag ay magmumulta ng PHP1,000.
Ilang araw na ring naging maingay ang netizens na may mga sasakyan, lalung-lalo na ang mga single.
In compliance with @MMDA single passenger policy... pwede ba yan??????? pic.twitter.com/jUYhbC53wS
— IG: @MarvinAgustin (@marvin_agustin) August 15, 2018
Kaagad namang sumagot ang MMDA sa tanong ni Marvin.
Ayon sa ahensiya, “Hindi po. #mmda.”
Hindi po. #mmda
— Official MMDA (@MMDA) August 15, 2018
Kaya sinabi na lamang ng aktor sa kanyang followers sa Twitter, “Okay po... mga 'SINGLE' isip na ulit tayo ng ibang paraan... kailangan na natin maging double!!!"
Okay po...???? mga “SINGLE” isip na ulit tayo ng ibang paraan... kailangan na natin maging double!!!???????????????? https://t.co/F8XcqAHmrn
— IG: @MarvinAgustin (@marvin_agustin) August 15, 2018