Joshua Garcia grateful to Julia Barretto's mom Marjorie for forgiving him

IMAGE Noel Orsal

Joshua Garcia is thankful that his girlfriend Julia Barretto's mom Marjorie has forgiven him for his past transgression. Meanwhile, he assures all is well between him and Julia's dad Dennis, though they have yet to talk to each other.


Nagpapasalamat si Joshua Garcia na sa kabila ng pagkakamali na nagawa niya noon sa girlfriend na si Julia Barretto ay nagawa siyang patawarin ng ina ng kasintahan na si Marjorie Barretto.

Hindi raw naging mahirap kay Marjorie na patawarin siya nito.

Aniya, "Happy ako kasi si Tita ang nanay ni Julia. Kasi grabe mag-alaga si Tita, and thankful din ako siyempre na napatawad niya ako."

Siniguro rin ni Joshua na wala silang problema ni Dennis Padilla, ang ama ni Julia, kahit hindi pa sila nagkakaroon ng pagkakataong magkausap.

"Actually, okay naman kami ni Tito Dennis. Mag-uusap pa lang kami," sabi ng binata.

Una nang nabanggit ni Joshua na napagsabihan siya ng Star Magic, at maging si Marjorie ay nagpapaalala kina Joshua at Julia na bawasan nila ang kanilang public display of affection.


Stories We Are Tracking

Joshua says Star Magic told him to lessen PDA with Julia
Joshua says Star Magic told him to lessen PDA with Julia

Paliwanag naman ni Joshua, sinusubukan niyang pigilan ang sarili pero minsan ay kusang lumalabas ang nararamdaman niya para kay Julia.

Aniya, "Pinipigilan ko mga one hour, 'tapos wala na, balik na uli. Mahirap kasing pigilan ang nararamdaman mo."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Joshua sa press conference ng bago nilang teleserye ni Julia, ang Ngayon At Kailanman. 

Ginanap ito noong Lunes, Agosto 13, sa Dolphy Theater, ABS-CBN Compound, Quezon City. 

Inamin ni Julia na sa kanilang dalawa ay mas seloso si Joshua.

Ayon naman sa aktor, ni hindi niya nakitang nakaramdam ng selos si Julia sa ibang babae.

"Hindi nagseselos iyan. Maganda kasi siya, sobrang confident.

Sa pagbabati naman nina Julia at Loisa Andalio, na minsan ding na-link kay Joshua, siniguro ng aktor na walang problema sa kanya ang pag-aayos ng dalawa at suportado niya ang nangyaring pagkakasundo ng mga ito.

"Na-explain niya nga yun. Okay lang kung ano ang gusto nila, dun na lang ako.

"Nung nagdi-dinner sila, nasa bahay ako, nagko-computer ako," sabi ni Joshua.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Joshua Garcia surprised by Julia-Loisa dinner meetup
Joshua Garcia surprised by Julia-Loisa dinner meetup


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN