Jon Lucas wife ecstatic over actor's decision to admit their marital status

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Former It's Showtime dancer Shy Feras on marital status with Jon Lucas: "Kung ako po sana ang masusunod, kahit si baby na lang po muna ang aminin niya at wag muna sa amin, kasi iniisip ko din po career niya at mga fans. Pero dahil nga MAHAL NA MAHAL po ni Jon ang mga fans niya at ayaw niya po itago si baby at ako, kaya inamin na po niya at sinabi po ang lahat."


Sa kauna-unang pagkakataon, binasag ng dating It’s Showtime dancer na si Shy Feras ang katahimikan tungkol sa marital status nila ng Hashtags member na si Jon Lucas.

Inamin ni Shy na medyo kinabahan siya sa desisyon ni Jon na isapubliko ang kanilang relasyon, pati na ang pagkakaroon nila ng anak.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Shy, sa pamamagitan ng palitan ng mensahe sa Instagram, Miyerkules ng gabi, August 15.

Pahayag ni Shy, “Sa totoo lang po, kinakabahan na masaya!

“KINAKABAHAN kasi kung ako po sana ang masusunod, kahit si baby na lang po muna ang aminin niya at wag muna sa amin, kasi iniisip ko din po career niya at mga fans.

“Pero dahil nga MAHAL NA MAHAL po ni Jon ang mga fans niya at ayaw niya po itago si baby at ako, kaya inamin na po niya at sinabi po ang lahat.”

Inamin ni Jon ang tungkol sa marital status nila ni Shy sa presscon ng unang pinagbibidahan niyang pelikula, ang Dito Lang Ako.

Ito ay matapos ang halos sampung buwang pananahimik mula nang sila ay ikasal noong October 25, 2017.

Ipinanganak ni Shy ang anak nila ni Jon na si Brycen Christian noong December 2017.

Noong mga panahong ito nawala si Jon sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime, dahil payo na rin daw umano sa kanya ng management na ayusin muna ang personal na pinagdadaanan.

Dagdag pa rito ang pagdadalamhati ni Jon sa pagkamatay ng kanyang ina noong September 2017.

Sa parte ni Shy, nagpapasalamat daw siya sa Diyos matapos nilang malampasan ni Jon ang mga pagsubok sa kanilang buhay.

“Lalo kong napatunayan kay Jon na napakabuti niyang tao.

"Ayaw niya lokohin mga taong nagmamahal sa kanya. Napakabait ni Jon sa lahat po.

“At masaya po ako kasi maraming tao ang tumanggap, umintindi, at nagpadala ng magagandang mensahe sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya napakabuti po ng AMA.”

Thank you Lodi ???????????????? #SaPicture????

A post shared by Ahnne Shy Feras ???????????? (@shyyyferas) on

Dalawang taon daw naging magkarelasyon sina Jon at Shy bago sila ikinasal.

Matagal na ring tumigil si Shy sa pagiging It’s Showtime dancer.

“Wala na po ako sa It’s Showtime po.

“Kung ako po sana masusunod, mas naglalaan po ako ng time kay baby lalo na po breastfeeding po.

“At gusto ko po kasi naaalagaan ko po si baby pati na rin po si Jon.”


Stories We Are Tracking

Jon Lucas reveals identity of wife Shy Feras
Jon Lucas reveals identity of wife Shy Feras
Jon Lucas admits he's now a father and a married man
Jon Lucas admits he's now a father and a married man
Jameson reveals Jon and Bugoy on
Jameson reveals Jon and Bugoy on "indefinite suspension"
McCoy de Leon says Bugoy, Jon suspended for a reason
McCoy de Leon says Bugoy, Jon suspended for a reason


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN