Solenn Heussaff, Adrian Alandy, Saab Magalona slam HOV traffic scheme

by Bernie V. Franco
Aug 16, 2018
Luis Alandy, Solenn Heussaff, and Saab Magalona took to social media to express their dismay over the high occupancy vehicle traffic scheme that prohibits "solo" drivers to drive along EDSA during rush hours.  

Inalmahan ng ilang artista ang ipinatutupad na High Occupancy Vehicle (HOV) traffic scheme ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Sa bagong traffic scheme, pinagbabawalan ang mga sasaksayan na driver lang ang sakay na bagtasin ang EDSA tuwing rush hour sa weekdays: mula 7:00 a.m. hanggang 10:00 a.m. at mula 6:00 p.m. hanggang 9:00 p.m.

Layunin ng HOV traffic scheme na masolusyunan ang matinding traffic sa Metro Manila.

Ang sinumang mahuhuling lumalabag dito ay magmumulta ng PHP1,000.

Nag-post sa social media sina Solenn Heussaff, Adrian Alandy, at Saab Magalona upang ipahayag ang kanilang pagkontra sa HOV scheme na sinimulang ipatupad noong Miyerkules, August 15.

SOLENN HEUSSAFF

Tweet ni Solenn nitong August 16, Huwebes: “Solo rule on Edsa is even worse!! Bravo philippines!!! #ItsMoreFunInThePhilippines #LaroLaroLang”

Kalakip ng tweet niya ang larawan ng mahabang traffic.

May mga netizen na nag-react sa tweet ni Solenn at sinabihan pang bumalik na lang daw sa kanyang bansa ang Filipino-French Kapuso star.

Sagot dito ni Solenn: “Wrong mentality to have. Pinoys deserve better.

"They spend more time in traffic than with their family.

"Nothing gets solved if you leave when things get hard.”

Mensahe naman niya sa nagpapabalik sa kanya sa France: “Im filipino. If you dont want to better our country than that's a problem. Hindi lang pwedeng 'hayaan' ang mga ganitong bagay. Pinoys deserve BETTER.”

ADRIAN ALANDY

Idinaan naman ni Adrian Alandy ang kanyang hinaing via Facebook, ngayong Huwebes din.

Sabi ng aktor, sa maraming taon niyang pag-aartista, lagi siyang nagmamanehong mag-isa. Wala siyang driver at assistant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, nagbabayad siya ng buwis at ngayon ay mumultahan pa siya dahil sa bagong traffic scheme ng MMDA.

“I have been working in the acting industry for 21 years now, without any driver or personal assistant in order to save more money for future use.

"Now with your new rule of HOV, for people like me who drives to work alone w/ different call time in our work as we go to our designated locations, you will charge us 1000 for the violation?

"We pay our taxes then you get more money out of us from your new traffic scheme. #SMH #MMDA”

SAAB MAGALONA

Nag-react din ang celebrity blogger na si Saab Magalona, anak ng yumaong si Francis Magalona.

Tinawag niyang “elitist b*llshit” ang bagong traffic scheme.

Aniya, may mga malalaking bus na sumusuway sa batas-trapiko pero nakalulusot pa rin.

Paninita pa ni Saab, ang mga pulitiko na maraming sasakyan at drivers ang hindi maaapektuhan ng bagong traffic scheme.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May isang netizen ang sumagot kay Saab na sa halip na batikusin ang bagong traffic scheme ay bigyan muna ito ng pagkakataon.

Sagot ni Saab: “Eh tanggapin mo nalang rin ang pagputak ko kasi karapatan ko yun bilang mamamayang nagbabayad ng buwis. Thanks!”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Alandy, Solenn Heussaff, and Saab Magalona took to social media to express their dismay over the high occupancy vehicle traffic scheme that prohibits "solo" drivers to drive along EDSA during rush hours.  
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results