Donita Rose has no regrets leaving showbiz at the peak of her career

IMAGE Noel Orsal

Donita Rose on her love life: "Hindi ko naman siya hinahanap sa ngayon. I would say that I am fully happy being where I'm at right now."


Hindi pinagsisisihan ni Donita Rose ang desisyon niyang talikuran ang showbiz sa kabila ng matagumpay na showbiz career noon.

Isa sa pinakasikat na young stars noong dekada ’90 si Donita.

Kabi-kabila ang kanyang pelikula at TV shows, at naging matagumpay rin ang kanyang karera bilang video jockey sa MTV Asia.

Ngunit tinalikuran ni Donita ang magandang takbo ng kanyang career noong 2003 nang pakasalan niya ang nobyong si Eric Villarama.

Lagpas isang dekada na namalagi si Donita sa Amerika kasama ang asawa at kanilang anak.

Bumalik siya sa Pilipinas noong 2015 dahil naghiwalay sila ni Eric pagkatapos ng 12 taong pagsasama.

Nagsisi ba si Donita na tinalikuran niya ang kanyang magandang career noon?

Tugon ng 43-year-old Kapuso actress-TV host, “There’s no regrets. No regrets on my life.

"It’s been a hard journey, pero tingnan mo ngayon, napakagaling ko nang artista.

“Paiiyakin mo ako, makakaiyak akong mabilis. Hindi katulad noon.

“Malalim na ang pinaghuhugutan ko. Puwede na akong kontrabida pa.”

Ano pa ang nilu-look forward niya sa kanyang karera?

Sagot ni Donita, “Well, you know, I would say that ang kulang na lang siguro love life, but hindi ko naman siya hinahanap.

“Hindi ko naman siya hinahanap sa ngayon. I would say that I am fully happy being where I’m at right now.

“I just have some dreams, like, gusto ko sana na magkaroon pa ng maraming trabaho para makapag-ipon pa nang kaunti, kasi I wanna finish paying off my place.

“I want to be able to renovate my kitchen so that I can do shoots at home.

“Yun talaga yung dream ko na it’s taking a bit longer than expected.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Donita sa media conference ng kanyang cooking show na Heart Mate Kitchen Season 2, sa 17th Floor ng GMA Network Center, Quezon City, kahapon, August 15.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EASY-COOKING CAPSULES

Tuwang-tuwa naman si Donita na nagkaroon ng Season 2 ang Heart Mate Kitchen dahil muli na naman siyang makakapagluto ng masasarap na putahe na affordable at kayang-kayang lutuin ng mga ordinaryong Pinoy.

Ilan sa celebrities na makakasamang magluto ni Donita sa cooking capsules/episodes ngayong Season 2 ay sina Camille Prats, Mikael Daez, Rocco Nacino, Julie Anne San Jose, at Yasmien Kurdi.

Mapapanood ang easy-cooking segment ni Donita tuwing commercial gaps ng Unang Hirit, Wowowin, Sarap Diva, at Kapuso Movie Festival simula ngayong buwan hanggang Oktubre.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN