Police raid Makati bar co-owned by Rico Blanco for allegedly selling party drugs

by Arniel C. Serato
Aug 16, 2018
The Times Bar in Makati, co-owned by musician Rico Blanco, is once again raided by police for allegedly selling illegal drugs to its customers. 

Muling nagsagawa ng raid ang mga pulis ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Southern Police District (SPD) sa Times Bar, sa Makati City, ngayong Huwebes, August 16.

Itinuturing daw na drug den ang naturang bar na unang ni-raid ng Makati City Police noong Sabado, August 11.

Dito ay nakakumpiska sila ng 17 maliliit na sachets ng diumano’y shabu, dalawang maliit na sachets ng cocaine, isang tasa na may lamang cocaine, hybrid marijuana, ecstasy, pipe na may latak ng marijuana, at foil.

Tinatayang nasa PHP1.2 million ang halaga ng nakumpiskang ilegal na droga ng pulisya.

Nakapangalan sa search warrant na inilabas ng Makati City Regional Trial Court (RTC) ang mga may-ari ng Times Bar na sina Rico Rene G. Blanco, Cynthia Primero, Ma. Amparo Marcalinas, Reyan Ladrillo, Burton Joseph Server III, at Danilo Regino.

Si Rico Rene G. Blanco ay ang dating Rivermaya frontman na si Rico Blanco.

Ayon sa ulat ng The Manila Times, sinabi ni Chief Superintendent Guillermo Eleazar ng NCRPO na irerekomenda niya ang permanenteng pagpapasara sa Times Bar dahil ito raw ay pinamumugaran na ng ilegal na droga.

Mahaharap si Rico at ang co-owners ng reklamong may kaugnayan sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Matatandaang 31 empleyado ng Times Bar at 123 guests (57 sa kanila ay mga banyaga) ang naimbitahan ng pulisya para sa imbestigasyon nang ni-raid ang bar noong August 11.

Pinakawalan naman kaagad ang mga ito matapos sumailalim sa ilang katanungan ng pulisya.

Samantala, sinabi rin ni Chief Supt. Eleazar na makikipag-usap siya sa iba pang bar owners upang masiguradong drug-free ang kanilang mga establisimyento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Banggit pa ng NCRPO chief, “We are reviewing our agreement and we will be conducting dialogues on the different management of bars and other entertainment establishments in Metro Manila and it will be spearheaded by different district directors.

“I hope this will give a stern warning not just to different establishments of bars in Metro Manila but also for the customers availing the services of these establishments to be responsible enough.”

Wala pang pahayag si Rico at kanyang mga kasamahan tungkol sa nangyaring raid sa kanilang bar.

Gayunpaman, mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa maaaring ihayag ng kanilang kampo tungkol dito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
Rico Blanco, Rivermaya
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Times Bar in Makati, co-owned by musician Rico Blanco, is once again raided by police for allegedly selling illegal drugs to its customers. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results