Hindi pinalampas ni Kris Aquino ang akusasyon ng isang netizen na “publicity stunt” lang ang isinagawa niyang relief effort sa mga nasalanta sa Marikina City, sanhi ng matinding pagbaha dulot ng habagat kamakailan.
Kinuwestiyon ng netizen kung bakit panay ang post ni Kris sa social media kung totoong bukas sa loob niya ang pagtulong sa nangangailangan.
Pambabatikos ng netizen kay Kris: “The great example of humanitarian is Mother Teresa. Ano 'yan publicity stunt?
“@krisquino Takbo ka na lang mayor ng QC. Post ka ng post ng pag tulong mo. Ano kaya yun.
“Gayahin mo na lang ang life ni Mother Teresa of Kolkata.”
Hindi nagdalawang-isip si Kris na sagutin ang umano’y nambuwisit sa kanya.
Binalaan din niya itong huwag siyang hamuning tumakbong Quezon City mayor dahil baka sa inis niya ay tuparin niya ito.
Buwelta ni Kris "Kung trip nyo kong bwisitin—you may get your worst nightmare come to life.
“Yan ang problema - yung kusang tumutulong hinuhusgahan. Yung mga naka posisyon na nagkulang ngayon naghahanap ng pwedeng ma-bully.
“YOU ARE MESSING WITH THE WRONG WOMAN.”
Base ito sa mahabang sagot ni Kris sa iniwang komento ng netizen sa kanyang Instagram wall noong Martes, August 14.
Makailang-beses nang sinabi ni Kris na wala siyang interes na sumabak sa pulitika.
Lalo na’t bilang endorser ng malalaking brands, nakasaad sa kanyang mga kontrata na malaking halaga ang multa sakaling bigla siyang kumandidato sa pulitika.
READY TO RUN AS QUEZON CITY MAYOR
Ngunit ayon kay Kris, at press time ay posible pang magbago ang kanyang isip ukol dito.
“FYI i haven't received the professional fees due me from my new multinational contracts- so there is nothing hanging over my head regarding funds that i may need to return.”
Pagkatapos ay inisa-isa ni Kris na malakas ang laban niya sakaling kumandidato siya bilang Quezon City mayor sa May 2019 elections.
“do the political math—in a crowded field of candidates NAME RECOGNITION will matter...
“Kung campaign funds ang labanan-di rin naman ako magpapahuli—wala akong utang kaya kakayanin kong pondohan ang sarili ko.
“And an important plus for me—i have 32 years of BIR tax records that can prove how trustworthy i am about money dahil alam ko na ang pera ng bayan para sa bayan.
“Kaya kong hamunin lahat ng ibang kandidato na maglabasan kami ng ITR para magkaalaman na. Sure akong wala akong magiging problema sa SALN declaration dahil sa malinis na paraan kinita ang pera ko.
“Next point- wala nang bahong pwedeng mahalungkat dahil ang buong kuwentong buhay ko alam ng buong Pilipinas. Wala rin asawang kailangan panagutan ang mga posibleng gawin.
“DO NOT BULLY ME.”
DON'T MESS WITH A "WARRIOR AT REST"
Kung nagkataon ay kukunin pa raw niyang political adviser ang kapatid at dating Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III.
“Let's not forget—i will also have the best possible adviser when it comes to good governance—my BROTHER.
“So the city will get the best of both-VAST EXPERIENCE & TRANSPARENCY-hate to say it BUT that's an unbeatable combination.
“After all it was under him that the Philippines came only 2nd to China in terms of economic growth.
“The difference now is that constituents will get daily FB & IG accomplishment reports from me.”
“But i shall take my cue from his basketball analogy-you don't share your playbook w/ the enemy—so WAIT KA LANG. I have the next 2 months to decide.”
Ang tinutukoy ni Kris ay ang scheduled filing of candidacy sa Commission on Elections (COMELEC) sa October.
Dagdag na babala ni Kris, “Our family is used to battling and slaying giants.
“So it would serve your personal interests to let me be - because you don't want to mess with a warrior at rest.
“Because she can so very easily become the victorious David to your pitiful Goliath."