Myrtle Sarrosa wants to keep relationship status private

IMAGE Noel Orsal

Myrtle Sarrosa on why she prefers to keep her relationship private: "Siguro na-realize ko lang, kung gusto ninyong mag-last talaga yung relationship ninyo, 'tapos kung public personality ka, huwag mo na lang masyado munang i-post."


Aminado si Myrtle Sarrosa na may idini-date siya ngayong non-showbiz guy, pero tumanggi siyang magbigay ng detalye tungkol sa relasyon nila.

Natatawang sabi niya, “Private na kasi e, hindi na ako masyadong nagsasalita about sa love life, e!

“Masaya naman ako pero ngayon siguro mas focused talaga ako sa trabaho.”

Nasa dating stage pa lang daw sila ng naturang lalaki.

“Dating pa rin. Mahirap akong ligawan!” at muling tumawa si Myrtle.

Mas gusto raw ng 23-year-old actress na hindi taga-showbiz ang maging boyfriend niya.

Paliwanag ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 big winner, “Para sa akin, gusto ko ng kung sa world kasi ng showbiz, parang…

“Hindi naman kailangan lahat ng sa buhay ninyo ise-share sa ibang tao, parang masyadong complicated para sa akin.

“Mas gusto ko yung non-showbiz kasi, at least, may matututunan ka sa ibang tao mula naman sa ibang mundo.

“‘Tapos ibang set of friends din, ibang community, so...”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Myrtle noong Linggo, August 12, sa Activity Center ng StarMall, Alabang, Muntinlupa.

Dito ginanap ang Sisters Day event ng Megasoft Hygienic Products, Inc. kung saan brand ambassadors sina Myrtle, Ryle Santiago, Aljun Cayawan, at Young JV.

LOVE LIFE IN SOCIAL MEDIA

Ano ang masasabi niya sa ibang celebrities na madalas ibinabahagi sa social media ang mga kaganapan sa kanilang love life?

Ayon kay Myrtle, “Okay naman yun, para naman yun sa kanila. Kung whatever they’re comfortable with.

“Pero ako, personally, siguro hindi muna sa ngayon.

“Parang hindi ko nakikita yung sarili ko na type of person na nagpu-post tungkol sa personal life ko masyado.”

Dahil?

“Mas gusto ko focused sa kung ano yung interests ko, ‘tsaka sa work ko.”

Kapag opisyal na ang relasyon nila ng non-showbiz guy na idine-date niya, magpu-post ba siya ng tungkol sa kanila?

“Depende, pero baka hindi. Mas… private talaga ako na person,” tugon ni Myrtle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-trauma ba siya sa kanyang past relationship kaya ayaw na niyang mag-post sa social media?

Saad niya, “Hindi naman na-trauma.

"Siguro na-realize ko lang, kung gusto ninyong mag-last talaga yung relationship ninyo, ‘tapos kung public personality ka, huwag mo na lang masyado munang i-post.”

DREAM LEADING MAN

Samantala, nais daw ni Myrtle na muling makagawa ng teleserye.

Naging guest siya sa ABS-CBN afternoon drama series na Araw Gabi, kung saan gumanap siya bilang young Vina Morales.

“Sa mga series, La Luna Sangre yung pinaka-last ko,” banggit niya.

Kung magkakaroon siya ng lead role sa isang drama series, sino ang gusto niyang makapareha?

Sagot ni Myrtle, “Si JM de Guzman.

"Kasi fan ako ng mga works niya, e, ng mga movies niya.

“So iyon, naku-curious ako kung paano siya katrabaho.

"'Tsaka same manager din kami, kay Ate Portia [Dimla-Morales]."

Bida naman si Myrtle sa upcoming movie na Wander Bra.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN