Myrtle Sarrosa reacts to being objectified: "I just ignore them."

IMAGE Noel Orsal

Myrtle Sarrosa admits to getting inappropriate comments about her body on social media, but she chooses not to get affected. 


Nasa edad na raw si Myrtle Sarrosa para tumanggap ng sexier at more mature roles, gaya ng role niya sa fantasy movie na Wander Bra.

“Yes, I’m at the age na nagta-transition na ako to more mature roles and to always take that step forward.

"Kasi, parang I've been in the industry for six years, so gusto ko lagi to bring out something new," paliwanag ng 23-anyos na aktres sa presscon ng kanyang pelikula.

Ginanap ang presscon sa Max’s Restaurant, Quezon Avenue, Quezon City, nitong Huwebes, August 16.

Sa pelikula, gaganap na superheroine ang Big Winner ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Season 4 kung saan suot niya ang two-piece sexy costume.

So far, positive daw ang feedback sa kanyang outfit.

Sabi ni Myrtle, “Sa ngayon, it’s all positive comments from most of my supporters.

"So I’m grateful na ang daming tao na excited na rin para sa akin.

"Kasi it’s a long way coming here and I’m so grateful for my very first lead film."

Si Myrtle ay two-time FHM cover girl (2014 at 2018) at calendar girl ng isang alcoholic drink.

Hindi naman niya itinangging may mga nababasa siyang bastos na komento sa social media.

“But I just ignore them,” sagot niya.

Ano ang ginagawa niya sa tuwing ino-objectify siya o nase-sexualize ng ibang tao?

Ayon kay Myrtle, “I think it’s your mind na you have to tell yourself na what they say is not who I am.

"And also, at the same time, it’s how they grow up.

"It’s also their environment kung bakit ganun sila mag-comment sa mga babae.

"For me, I just ignore them."

Kumpiyansa rin daw sa sarili ang kailangan para hindi siya mailang kung ano ang opinyon ng ibang tao sa kanyang pagpapa-sexy.

“I think it’s just being confident with yourself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko na iniisip kung ano ang iniisip ng ibang tao.

"As long as I’m happy with myself na, whatever I’m wearing, I would be comfortable with my own skin. I’m okay.

"Ako naman, hindi ko iniisip kung ano pa ang iniisip ng ibang tao."

Ang Wander Bra ay pinagbibidahan din nina Kakai Bautista, Zeus Collins ng Hashtags, Gina Pareño, Gardo Versoza, Wacky Kiray, at Brian Gazmen; mula sa panulat at direksiyon ni Joven Tan.

Ipapalabas ito sa mga sinehan simula sa September 12.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN