Kris Aquino on less-than-three-minute exposure in Crazy Rich Asians: "Wag na tayong choosy"

IMAGE Cyrus Panganiban

Kris Aquino on her short appearance in the movie Crazy Rich Asians: "The fact na the only Asian royalty in a film entitled @crazyrichasians came from the Philippines, I am GRATEFUL."


Palabas na sa Amerika ang Crazy Rich Asians, ang Hollywood movie ng Warner Brothers na base sa bestselling book ni Kevin Kwan na may kaparehong titulo.

Magkakaroon ng cameo rito si Kris Aquino.

Gagampanan niya ang karakter ni Princess Intan, isang milyonaryang Malay princess na kabilang sa VVIP (very, very important persons) na guests sa enggrandeng kasalan nina Colin Khoo (Chris Pang) at Araminta Lee (Sonoya Mizuno).

Maiksi lamang ang appearance ni Kris sa pelikula, at binanggit niya ito sa kanyang eksklusibong panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong April 2017.

Aniya, "It’s more than a cameo—because may speaking lines. 

"But it’s something na I’m sure hindi mae-edit out because she makes a grand entrance in the wedding.

"Hindi ako takot na matsutsugi ako, na nasa editing room floor ako."

READ Kris Aquino reveals how she bagged Princess Intan role in Crazy Rich Asians

Kahit na maiksi lang talaga ang kanyang role sa pelikula ay malaking bagay pa rin iyon sa aktres.

Sabi ng isang Instagram follower ni Kris, “We watched it last night and its a very nice kilig movie, bit disappointed though kasi wala pang 3 minutes yung appearance mo dun and habang nag-da-dialogue ka hindi naman naka-focus sa ’yo yung camera anubeyen.”

Ang sagot ni Kris, “The character of Princess Intan wasn't even in the book—ginawan ng producers ng paraan to include me—so wag na tayong choosy.

“The fact na the only Asian royalty in a film entitled @crazyrichasians came from the Philippines, I am GRATEFUL.”


May iba pang kaparehong komento sa mga posts ni Kris sa kanyang Instagram account ngunit hindi na niya ito sinagot.

Ang mahalaga raw sa kanya ay naging bahagi siya ng isang Hollywood film.

Ang sabi niya sa Warner Brothers, “THANK YOU for the opportunity to represent the Philippines."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipapalabas sa Pilipinas ang Crazy Rich Asians sa darating na August 22.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN