Dina Bonnevie admits treating Erich Gonzales like her own daughter

by Melba R. Llanera
Aug 18, 2018
Dina Bonnevie on her The Blood Sisters co-star Erich Gonzales: “Kapag di naman nagte-taping, even off cam, we play badminton, we go to church together. Parang daughter talaga ang tingin ko sa kanya."

Agad na dinepensahan ng veteran actress na si Dina Bonevie ang kanyang The Blood Sisters co-star na si Erich Gonzales sa matagal nang isyu na suplada at may attitude problem daw ito.

Pagtatanggol ni Dina kay Erich sa nakaraang thanksgiving presscon ng The Blood Sisters na ginanap sa 9501 restaurant sa ELJ Bldg. ng ABS-CBN noong nakaraang August 14, kinuwento ni Dina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung gaano katotoong tao si Erich, na madalas ay nami-misinterpret lang ng ibang tao.

Panimula niya, “I think that's also why I endeared myself to her, e...

“Kasi she's totoo lang, di talaga plastik.

“I mean, ako I'm not a plastic person. Pag ayoko, ayoko. Pag gusto ko, gusto ko.

“Siya she openly says, 'I'm tired, no? I can't.'

“Sasabihin nila [production crew], pakiusap.

“Kunwari, may cut off na 2:00 a.m., you always say naman, 'May cut off, for airing.'

“She'll say, 'No na, I'm going home na.'

“Siyempre, yung iba, kakainisan, pero if you look at what she does, siyempre nakakapagod din.

“Whole day, tatlong katauhan ang ginagawa niya.

“E, nakakaloka talaga. It's not easy.

“Siguro sa iba ang dating mataray, pero diretso lang siya.

“Yung sense of humor niya kasi diretso lang.

“Kunwari, sasabihin niya sa iyo kung pangit talaga ang hitsura mo because she cares for you.

“Sa tingin ng iba, 'Ay, ang taray!' pero hindi.”

SEEING HERSELF IN ERICH

Dahil si Dina ay kilala rin sa pagiging prangka, inamin niyang nakikita niya ang sarili niya kay Erich, lalo na noong bata pa siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy niya, “Like me, ganun din ako nung bata ako, diretso din ako.

“Sa akin, I really understand her.

“A lot of myself, I see in her.

“Ganun din ako—diretso.

“Pag di ko nagustuhan, 'It's not pantay, can you fix it, yung kilay ko?'

“Sasabihin nung bading, 'Nagrereklamo sa kilay ko, 'day!'

“E ako, 'Carebears! Ayusin mo, make up artist ka!'

LIKE A DAUGHTER

Naging malapit din daw si Dina sa iba pa kabataang artista na nakatrabaho niya, pero iba raw ang naging closeness nila ni Erich.

Lahad niya, “Actuallly, lahat naman ng nakakasama ko sa soap...

“Like, si Maja Salvador, nakasama ko rin siya sa soap. She's also one of my babies.

“Lahat ng nakakasama ko actually sa teleserye, nagiging anak-anakan ko.

“They always call me Mama D.

“Kaya lang siguro, si Erich kasi kengkoy, e.

“She's so kengkoy, she always palo my puwet.

“Wala pang taping na di niya pinalo ang puwet ko.

“Sabi ko, 'Ang sakit! Aray!'

“Sabi ko, 'Why you always palo my puwet?'

“Sabi niya, 'E, kasi release the bully, release the puwet.'

“Pareho raw kaming ma-puwet kaya mag-nanay daw kami.

“Kunwari maganda yung damit, sasabihin niya bagay.

“Kapag hindi, 'Is that your costume?' Sasagot ako na, 'Yeah.'

“Sasabihin nun, 'No more na. Change it na.'

“Sometimes, kahit nakaayos ka na, she'll say, 'Is that your hair? Not nice, I don't like.'

“Pag maganda yung gawa ng make up artist, sasabihin nun, 'It's nice!'

“Pero pag hindi, hindi talaga siya magpapa-take hangga't di binabago.

“Kapag di naman nagte-taping, even off cam, we play badminton, we go to church together.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Parang daughter talaga ang tingin ko sa kanya.

“Kunwari, she will text me, 'Hi Mama D! What are you doing today? Do you wanna play badminton? Lika, badminton tayo.'

“She will text me, 'Do you wanna go to church together?' We go to church together.”

ADMIRES ERICH'S PROFESSIONALISM

Bilib din ang beteranang aktres sa nakita niyang dedikasyon at propesyonalismo ni Erich bilang isang artista.

Pagmamalaki ni Ms. D, “Erich is a very professional actress.

“Bilib ako sa kanya, kudos to her.

“It's not easy to portray three characters, kasi marami nang artista ang gumanap na dalawa ang labas.

“I myself did a movie na dalawa ang characters ko, Kung Kasalanan Man, but she did three.

“Parang nagawa na dati ni Claudine [Barretto] pero iba siya.

“Kasi siya, pati boses iba, pati intonation iba, iba yung intonation, voice tone, iba yung hair, iba yung look.

“Even yung tindig, yung upo, mannerisms, nuances niya, naiba-iba niya, e.

“Unlike the past na mga gumawa ng ganun, parang pare-pareho ang hitsura niya, buhok lang ang nagbago.

“Siya hindi, e. In character talaga.”

BONDING WITH TESSIE

Bukod kay Erich napalapit din kay Dina ang gumaganap na ina nijya sa The Blood Sisters na si Ms. Tessie Tomas.

Pahayag niya, “Kay Tita Tessie naman, nagkataon na her Mom also has Alzheimer's [Disease], parang ilang beses nang na-hospital.

“E, that time, that's what I was going through din with my Dad.

“He's also seriously ill, may Alzheimer's din siya.

“Nagkataon din she's my mom on the soap, parang kinu-console niya ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SEPARATION ANXIETY

Ngayong natapos na ang The Blood Sisters, hindi itinago ni Dina na mami-miss niya ang mga katrabaho niya sa serye lalo na't naging isang pamilya sila rito.

Pag-amin niya, “Nakaka-sepanx. Nakaka-separation anxiety.

“Naging close kami, we became like a family working together.

“'Tapos, sometimes, during long working hours... like nung umpisa, talagang inaabot kami ng 4 o'clock, 5.

“Minsan naman, nata-traffic kami dahil sa lakas ng ulan. Di kami makalabas.

“Pag mga long breaks, kunwari may hinihintay na set, yung mga biruan, kuwentuhan, we became like a family.

“Sabi ko, di pa nga natatapos pero mayroon na akong separation anxiety.

“Nakakalungkot.

“Memorable moments?

“Marami, like kapag halimbawa, hinihintay namin ang mga take namin ni Erich, naghu-hula hoop.

“'Tapos, ako, I always bring chocolates.

“I always bring meryenda so kapag hapon na alam na nila, 'Oops! Punta na tayo sa tent ni Ms. D kasi nandun na yung meryenda!'

“Siyempre nagkakagulo sa mga chocolates, sa mga goodies kasi I always bring yung mga chicha, yung mga ganyan for meryenda time.

“Nakakatuwa, kasi parang mga anak ko silang lahat.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dina Bonnevie on her The Blood Sisters co-star Erich Gonzales: “Kapag di naman nagte-taping, even off cam, we play badminton, we go to church together. Parang daughter talaga ang tingin ko sa kanya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results