Kapuso actress Jade Lopez reveals more details about October wedding to non-showbiz fiancé

IMAGE Facebook

Kapuso actress Jade Lopez on October wedding to non-showbiz fiancé Rocky Siccion: "Sa simula pa lang naman, sinabi ko kay Rocky na minimalist ang gusto kong tema ng wedding namin; yung hindi masyadong madekorasyon, hindi masyadong magarbo."


Sa October 22, 2018 na ang wedding ng Kapuso actress na si Jade Lopez sa kanyang fiancé na si Rocky Siccion.

Gaganapin ito sa Manila Cathedral.

Simula noong ma-engage si Jade noong January 31, 2017, nagsimula na silang magplano ni Rocky ng kanilang wedding.

Nag-share ang 30-year old future bride ng ilang detalye tungkol sa kanyang magiging wedding sa ginawang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya via Facebook Messenger noong nakaraang August 17.

WEDDING GOWN

Hindi pa binanggit ni Jade kung sino ang designer ng kanyang wedding gown.

"Ngayong Sunday ko pa lang kasi imi-meet yung designer.

"Hindi pa naman ako nape-pressure kahit na ang sabi ng ibang friends ko na dapat six months before ng wedding dapat nagpagawa na ako ng wedding gown.

"Okey lang naman, kasi simple lang ang gown na gusto ko.

"Sa simula pa lang naman, sinabi ko kay Rocky na minimalist ang gusto kong tema ng wedding namin; yung hindi masyadong madekorasyon, hindi masyadong magarbo.

"Gusto namin na mas ma-feel ng mga imbitado sa wedding namin yung happiness ng wedding namin at hindi ma-overpower ng mga makikita nilang dekorasyon sa paligid.

"Kaya kahit ang wedding gown ko, simple lang talaga," pahayag ni Jade.

WEDDING ENTOURAGE

Ang maid of honor ni Jade ay ang kanyang pinsan na taga-Canada na si Adona Dimapilis.

Ang bridesmaids niya ay kinabibilangan ng mga kaibigan sa showbiz at kapwa StarStruck stars na sina Nadine Samonte-Chua, Stef Prescott-Yap at Cristine Reyes-Khatibi.

Kasama rin bilang bridesmaid ang magiging sister-in-law niya na si Regine Siccion.

Pinost ni Jade sa kanyang Facebook account ang pakikipag-meet niya sa kanyang "bridesquad" na sina Nadine, Stef at Cristine.

Heto ang mga nilagay niyang captions:

   "Bridesquad"
 
   "Look who I bumped into.  It was a good 30minute catch up with tornado mops as our background. Hahaha.Ang totoong kaibigan kahit di nagkikita ay nagkakaintindihan. Love you, Nads. hey bride squads Cristine Stefany this calls for a chikahan over coffee. Tara let's soon?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW




Ang mga groomsmen naman ay mga pinsan at kaibigan ng fiancé niya, at kasama rin dito ang brother ni Jade na si Zoren Lopez.

Dagdag niya, "Sa mga ninong at ninang naman, kasama siyan ang manager ko na si Jon Verzosa, ang dermatologist ko na si Ms. Shiela Recasata of Faces and Curves, Ms. Joy Lim of Charms and Crystals and the rest mga tito, tita and friends of both our parents."

HONEYMOON

Nakaplano na raw ang honeymoon nila ni Rocky sa Japan.

Very special ang bansang iyon sa kanila dahil doon nag-propose si Rocky sa kanya.

"Tsaka may yearly tradition kami ng mga friends namin na pumupunta kami sa Japan during winter.

“Mas masaya rin kasi kasama ang friends," diin ni Jade.

BABY PLANS

Ready naman daw si Jade na magkaroon agad sila ng baby ni Rocky.

"Kung ibe-bless na kami ni Rocky ng baby ni God, magiging super-happy kami.

"Parang feel ko na ring maging mother tulad ng mga friends ko," tawa pa ni Jade.

Sa gitna ng wedding preparations ni Jade ay nagagawa pa rin nitong ipagsabay ang taping para sa teleserye niyang Kapag Nahati Ang Puso at para sa isang episode ng Wagas, kunsaan gumanap siya bilang isang transman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN