Ogie Alcasid stands by Gary V's side amid health ordeals

IMAGE File

Ogie Alcasid knew about OPM colleague Gary Valenciano's health condition even before his heart surgery and kidney cancer diagnosis: "Alam mo, I was there from the beginning! Nung naramdaman niya na masakit yung heart niya, andun ako, kasi ASAP nun, e."

 


Hindi raw nagkulang ng suporta si Ogie Alcasid para sa kaibigan niyang si Gary Valenciano bago pa ito sumailalim sa heart bypass operation, at bago pa siya ma-diagnose ng kidney cancer.

Lahad niya, “Alam mo, I was there from the beginning!

“Nung naramdaman niya na masakit yung heart niya, andun ako, kasi ASAP nun, e.

“Naaalala ko, anniversary niya yun, 'tapos guest niya yung anak niya, si Gab.

“Parang babalik pa lang si Gab nun.

“After nung opening number niya, sabi niya, ‘Masakit’ [habang hawak ni Gary ang kaliwang dibdib], sabi niyang ganun.

“Sabi ko, ‘O, relax ka muna.’

“Sabi ko, ‘You know, you better have yourself checked.’

“E, nagkikita rin kami sa Tawag Ng Tanghalan [sa It’s Showtime!], sabi ko, ‘O, how was your result?’

“Sabi niya, ‘Parang may nakita, e!’

“Pero mag-aano pa siya nun, angiogram.

“So dun na nakita.

“So siyempre dasal na kami, ganun-ganun.

“'Tapos, nung bago siya maopera, kausap ko siya, parang feeling ko nun gusto niyang makakita ng mga kaibigan.

“E, hindi ako makapunta, so tinawagan ko siya, nagdasal kami [sa phone].

“After nung operation niya, bawal bumisita, pumunta talaga ako,” at natawa si Ogie.

“Pinapunta naman niya ako, kaya nakapasok ako.”

Hindi pa raw alam ni Ogie nung una ang tungkol sa kanser ni Gary.

Sabi niya, “Wala pa nun! Wala pa nun.”

SHOCKED

At nang nalaman na niya na matapos ang bypass ni Gary ay nadiskubre naman na may kanser ito ay na-shock na naman daw si Ogie!

“Pinuntahan na namin siya sa bahay. In-explain lang naman niya.

“When we visited him he was in high spirits. Kasi tatanggalin lang naman e, simpleng operation,” dagdag niya.

Ikinagulat raw ni Ogie ang pagkakasakit ng kaibigan.

Healthy living si Gary at wala ni anumang bisyo.

Aniya, “Sobra!

“At tsaka siyempre… kaedad namin yun, di ba? Parang…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yung heart niya, ewan ko kung in-explain niya yun sa inyo, malinis, e!

“Iyon lang yung block sa tinatawag na, kung anumang valve yun.”

Cancer-free na si Gary.

“Oh yeah, he’s good!”

Kaya na ba ni Gary mag-perform?

Ani Ogie, “Hinay-hinay lang siguro.

“Pero kaya na niya. Baka mas malakas pa siya ngayon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie nitong nakaraang August 15 sa presscon (sa Hungry Samurai resto sa Tomas Morato Ave., Q.C.) ng OA: Ogie Alcasid 30th Anniversary Concert na gaganapin sa August 24 sa Araneta Coliseum.

Guests niya dito ang mga anak niyang sina Leila, Sarah at Nate Alcasid.

Guests rin sa show sina Vice Ganda, Rey Valera, Michael V, Janno Gibbs, Yeng Constantino, Moira, Bansot Mee and Ms. Regine Velasquez-Alcasid, to be directed by Paolo Valenciano and with Maestro Gerard Salonga as musical director.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN