Preggy Rich Asuncion admits craving for shakoy

IMAGE @richelleasuncion on Instagram

Rich Asuncion has been craving for shakoy, a local version of twisted doughnuts, since she confirmed her pregnancy recently. Her hubby Benj Muddie has been very supportive of her quirks, which he posts on his Instagram account.


Ramdam na ramdam na ng Kapuso actress na si Rich Asuncion ang kanyang pagbubuntis.

Nasa paglilihi stage na kasi si Rich kaya mahilig daw itong kumain ng kung anu-anong magustuhan niya.

Natutuwa ang kanyang mister, ang Philippine Volcanoes rugby player na si Benj Mudie, dahil sa mga pinaglilihiang pagkain ni Rich.

Sa isang post ni Benj noong nakaraang August 16 sa Instagram, kinunan niya ng series of photos si Rich habang bumibili ito ng pagkaing pinaglilihian niya ngayon sa isang nagtitinda sa bangketa.

Si Rich na mismo ang sumagot sa mga tanong kung ano yung binibili niyang pagkain.

Ito raw ay shakoy, isang locally made na twisted doughnut.

Ang ingredients ng shakoy ay braided wheat or glutinous rice flour at dine-deep-fry raw ito.

Sa Korea, ang tawag dito ay kkwabaegi.

Pero sa Pilipinas, mas kilala ito bilang shakoy.

Pero bilib naman si Benj dahil kahit na may mga cravings si Rich, alaga pa rin daw nito ang kanyang timbang at may ginagawa ring sariling diet food ito.

Pinost ni Benj noong nakaraang August 14 ang pag-prepare ni Rich ng vegetable diet nito:

Noong May 2018 naganap ang civil wedding ng dalawa sa Hong Kong matapos mag-propose ni Benj kay Rich noong April 2017.

Nitong July 31 lamang kinumpirma ng mag-asawa na may baby na sila on the way.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN