Are Luis Manzano, Jessy Mendiola engaged? Vilma Santos reacts

IMAGE @luckymanzano Instagram / Mark Atienza

Vilma Santos's reaction to Luis Manzano's wedding planning video with Jessy Mendiola: "Ayoko ngang pangunahan. Bayaan mo muna sila kung anuman ang plano nilang mag-announce. Maybe this year, maybe next year. Bahala na, sila ang magsasabi."


Engaged na nga ba ang magkasintahang sina Luis Manzano at Jessy Mendiola?

Ito ang kumalat na espekulasyon ng netizens matapos magbahagi ni Luis ng Instagram Story, kung saan inamin nila ni Jessy na pinaplano nila ang gusto nilang theme para sa kanilang kasal.

Hindi malinaw sa video kung ang pinaplano nilang wedding theme ay para sa kung sakaling ikasal sila sa near future o sadyang pahiwatig ito sa kanilang followers na lihim na silang engaged ngayon.

Tanong ni Luis kay Jessy, “Anong pinag-uusapan natin ngayon?

Nangingiting sagot ni Jessy, “Color theme.”

Pang-uudyok ni Luis, “Ng?”


Sagot ulit ni Jessy, “Ng wedding…”

Tanong ni Luis, “Nino?”

Sabi ulit ni Jessy, “Natin.”


Bago matapos ang Instagram Story ni Luis, na ibinahagi niya noong August 14, masuyo siyang hinalikan sa pisngi ni Jessy. 

EVASIVE ABOUT SON'S RUMORED ENGAGEMENT

Kagabi, August 19, ang ina ni Luis na si Batangas Representative Vilma Santos ay tiyempong nakapanayam ng entertainment reporters, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa 80th birthday ni Mother Lily Monteverde sa Crowne Plaza Hotel, Pasig City.

Dito ay direktang tinanong si Vilma tungkol sa rumored engagement ng panganay niyang si Luis.

Paiwas na sagot ni Vilma, “Hindi pa! Hindi naman ako puwedeng mauna.

"Siyempre sila dapat ang maunang mag-announce. Hindi ako.”

Ngunit base sa pagkakangiti at kilos ni Vilma, tila may alam ito sa kung anuman ang estado ng love life ng anak.

Ang mahalaga ay suportado raw niya ang anak kung anuman ang desisyon nito.

Nasa hustong gulang na rin sina Luis, 38, at Jessy, 25. 

Ani Vilma, “Kung saan maligaya ang anak ko, doon ako.

“I mean, he’s mature enough to decide for himself. Kung sa tingin niya it’s time, then it’s time.”

Ano ang reaksiyon niya sa pag-post ni Luis sa social media ng pinaplanong kasal nila ni Jessy?  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Giit ni Vilma, “Ayoko ngang pangunahan. Bayaan mo muna sila kung anuman ang plano nilang mag-announce.

“Maybe this year, maybe next year. Bahala na, sila ang magsasabi.”

SUPPORTIVE OF LUIS-JESSY RELATIONSHIP

Ang tanging masasabi lang daw ni Vilma ay updated siya sa love life ng anak.

“Nagsasabi naman. Pero sila naman ang magsasabi nun, hindi naman ako.”

Kung anu't ano man, aprubado raw kay Vilma ang girlfriend ni Luis na si Jessy. Lalo’t nakikita raw niya kung gaano kasaya ang dalawa sa isa’t isa.

Excited ba siyang makasal na si Luis?

Nakangiting sabi ni Vilma, “Oh my god! Oo naman. Bakit naman hindi?

"Hindi ko nga alam kung iiyak ba ako. Hindi ko alam ang pakiramdam.

“Masaya lang. Definitely, he’s my eldest, so kung saan siya masaya, nandun lang ako.”

Sa huli, nagbigay ng payo si Vilma sakaling magpakasal nga sina Luis at Jessy.

Aniya, "No such thing as adjustment period. Habang naggo-grow iyan, iba nang iba ang priorities.

"So the whole time, dapat nag-a-adjust sila sa relationship."


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN