Maris Racal dismisses rumor linking Iñigo Pascual to G-Force dancer

IMAGE Maris Racal Instagram

Maris Racal on rumor linking Iñigo Pascual to a G-Force dancer: "Alam ko naman na wala talaga, the first time ko pa lang na-encounter yung issue. Wala yun kasi kilala ko naman si Iñigo."


Hindi naniniwala si Maris Racal sa balitang sinundan daw ng ka-love team niyang si Iñigo Pascual ang G-Force dancer na si Sam Libao sa Siargao.

Buo raw ang tiwala ng singer-actress sa binata.

Ayon kay Maris, “Pinag-usapan namin yun ni Iñigo.

“Actually, sa akin din gumagawa din ng stories with other guys, pero wala yun. 

“Kahit sino naman binibigyan nila ng kulay kasi pintor po sila.

“Alam ko naman na wala talaga, the first time ko pa lang na-encounter yung issue.

“Wala yun kasi kilala ko naman si Iñigo.”

Ayon pa kay Maris, totoong lumabas si Iñigo at ang female dancer nang isang beses, pero binigyang kulay at pinalaki lang daw ito ng isang basher ng binata.

“Sabi niya friend niya yung guy, and then yung guy, friend niya yung girl.

“Nag-hang out lang sila once, anong mayroon sa pag-hang out?

“Si Iñigo naman, may sinagot siya one time na wala naman talaga, so sana paniwalaan ninyo si Iñigo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Maris sa Star Magic All Star Game na ginanap sa Smart Araneta Coliseum kagabi, August 19.

MARNIGO MOVIE

Samantala, excited si Maris sa pelikula nila ni Iñigo na magsisilbing launching ng tambalan nila sa big screen.

Aniya, “Nag-last shooting day na, pero feeling ko may isa pa para polishing na lang, and then grind na.

“Sobra, as in sinasabi ng mga direktor saka na mga prod na simple lang yung movie pero may dating.

“Sobrang excited ako na makita nila yung ibang side ni Iñigo.”

Maliban sa pelikula nila ni Iñigo, may isang horror film ding gagawin si Maris kung saan makakasama niya ang tambalang Joshua Garcia at Julia Barretto.

“May isa pa akong movie, Black Z, with JoshLia.

“Ito yung movie na kailangan ko talagang paghandaan, the way I talk… grabe, excited ako!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang partner lang talaga dun is JoshLia, part kami ng group.

“So far nag-e-enjoy naman ako, tulungan naman kami.

“It's not about you alone, mas easier nga, e, like, pag hugutan ng emotions, mas easier from Bloody Crayons, Haunted to this, excited ako.”

MARIS AND LOISA

Sa huling interview kay Loisa Andalio ay nabanggit nitong naayos na kung anuman ang naging di nila pagkakaunawaan ni Maris.

Sinang-ayunan naman ito ni Maris.

Saad niya, “Wala, walang problema. Napag-usapan namin yung issue.

“Yes, nagkaroon talaga ng friction, but then, like a week after, wala naman na.

“Pinag-usapan namin kasi mayroon kaming event sa Penshoppe, inayos namin yung issue…

“Inayos namin, mature people lang na inayos ang issue.”

Bumalik na rin ba ang pagkakaibigan nila ni Loisa?

Ayon kay Maris, “Nagko-comment ako sa mga IG stories niya.

"Hanggang dun na lang muna kami kasi separate ang work namin.

"Ako may movie, may mga ganap sa iba, siya din."


Stories We Are Tracking

Loisa Andalio moves on from alleged rift with Maris Racal
Loisa Andalio moves on from alleged rift with Maris Racal


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN