Kyline Alcantara reacts to alleged rude fans of Bianca Umali

Kyline Alcanta (left) tweets about feeling offended by alleged rude fans of Kambal, Karibal co-star Bianca Umali (right) during the GMA-7 regional show in Iloilo last night, August 19: "Sorry if I cried in the middle of my performance. Sorry, kung may negativity na pumasok dun sa stage while I'm performing. I'm sorry. All i want is to spread positivity sa lahat. Pero, nakaka bastos lang."


Tila hindi pa rin natutuldukan ang diumano’y silent war sa pagitan ng Kambal, Karibal co-stars na sina Kyline Alcantara at Bianca Umali.

Ito ay matapos ihayag ni Kyline ang umano’y pambabastos sa kanya ng isang grupo ng fans club sa gitna ng kanyang song number sa ginanap na GMA-7 regional show sa Iloilo.

Sa kanyang Twitter post kahapon, August 19, sinabi ni Kyline na hindi niya napigilang umiyak habang kumakanta dahil sa umano’y hindi magandang insidenteng naranasan niya.

Tweet ni Kyline: 

Ni-retweet din ni Kyline ang isang bahagi ng show kung saan inihayag niya ang diumano’y pambabastos sa kanya ng isang grupo ng fans club.

Ani Kyline, "Huwag nating tularan ang ibang mga fans club—mga bastos. Habang nagpe-perform... Oh my gosh!”

Isa pang ni-retweet ni Kyline ay ang video kung saan sinasabing napaiyak siya dahil sa ilang mga nanood ng show na sinigawan siya ng "Boo! Boo!" 

Hindi man diretsang pinangalanan ni Kyline kung kaninong fans club ang diumano’y nambastos sa kanya, makikita sa palitan niya ng tweet sa isang netizen na tila ang fans club ni Bianca ang kanyang tinutukoy.

Inawat kasi ni Kyline ang isang netizen na nagpatutsada tungkol sa diumano’y pagkakapareho ni Bianca at fans nito.

Tweet ni Kyline:

Sa official Twitter account ng GMA Artist Center, makikitang naroon din sa GMA-7 regional tour sa Iloilo si Bianca at perennial leading man at real-life suitor nitong si Miguel Tanfelix. 

Ngunit walang anumang nabanggit sa insidenteng naiyak si Kyline sa sarili nitong song number. 

BIANCA’S CRYPTIC SNAKE TWEET

Noong nakaraang buwan, naiulat ang espekulasyong may “silent war” diumano sa pagitan nina Bianca at Kyline.

May kinalaman umano ito sa isyung si Kyline ang pinararatangang third party sa rumored breakup nina Bianca at Miguel.

Ito ay sa gitna ng pinagbibidahan nilang Kapuso prime time series na Kambal Karibal, kung saan gumaganap din silang love triangle sa istorya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lalong uminit ang isyung naging totohanan na ang tensiyon sa pagitan ng dalawang young Kapuso actress, nang maghayag ng cryptic “sssss” tweet si Bianca noong July 8. 

Pinaniniwalaan ng netizens na patama ito ni Bianca sa umano’y “ahas” sa paligid nito.


Stories We Are Tracking

Bianca's cryptic tweets about Miguel, Kyline?
Bianca's cryptic tweets about Miguel, Kyline?

KYLINE’S CRYPTIC SNAKE POSE

Hindi naglabas ng opisyal na pahayag ang magkabilang kampo hinggil sa sinasabing silent war sa pagitan nila.

Ngunit sa July 29 episode ng Kapuso Sunday variety show na Sunday PinaSaya, hindi nakaligtas sa ilang manonood ang ginawang pagkaway ni Kyline sa pamamagitan ng hand gesture ng isang gumagalaw na ahas. 


Kahilera noon ni Kyline ang Kambal, Karibal co-stars na sina Bianca at Miguel.


 

Mayroon ding kumalat na ilang litrato si Kyline na siya ay naka-snake pose.

Totohanan nga ba o bahagi lang ito ng onscreen love triangle nina Bianca, Miguel, at Kyline? 

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga nabanggit sa artikulong ito.


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN