Joshua Garcia, Julia Barretto stay away from issue involving Sharon Cuneta, Kathryn Bernardo fans

IMAGE @reallysharoncuneta on Instagram / Bernie Franco

Joshua Garcia and Julia Barretto, popularly known as JoshLia, prefer not to comment on recent issue between the fans of Sharon Cuneta and Kathryn Bernardo.


Mas pinili nina Joshua Garcia at Julia Barretto, kilala rin bilang JoshLia, na umiwas sa isyung lumabas kamakailan nang mag-react ang ilang supporters ni Kathryn Bernardo dahil sa komento ng Megastar na si Sharon Cuneta.

Pakiramdam kasi ng netizens, nagkaroon ng pagkukumpara si Sharon kay Kathryn at sa Joshlia.

Kinunan ng reaksiyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sina Joshua at Julia tungkol sa isyu sa pilot screening ng kanilang bgong teleserye, ang Ngayon at Kailanman, sa Dolphy Theatre, ABS-CBN Compound, Quezon City, nitong Lunes, August 20.

Sagot ni Julia, “We don’t want to comment on that anymore.

“Feeling ko, kami ni Joshua, labas na kami sa issue na iyan.

"Kasi right now, Joshua and I are just at peace, we’re so peaceful, we’re so happy.

“Kung ano mang isyu iyan, hindi na kami makikisali ni Joshua diyan.

“This is a time to celebrate and to be happy and full of love.”

Pag-iwas din si Joshua, “Problema na ng nag-comment yun. Peace!”

HOW THE ISSUE STARTED

August 12 nang i-promote ng Megastar sa kanyang Instagram account ang prime time teleserye ng JoshLia, ang Ngayon at Kailanman, na nagsimulang umere kagabi, August 20.

Sa comments section, sinabi ni Sharon na alam niyang mamahalin niya si Kathryn, na makakasama niya sa isang pelikula, subalit mananatili raw “irreplaceable” sa kanyang puso ang JoshLia.

Naka-tag pa sa post sina Joshua at Julia.

Hindi ito nagustuhan ng ilang fans ni Kathryn at pinuna si Sharon.

Umaasa naman ang ibang fans ni Kathryn na mabibigyan ng pagkakataon sina Sharon at Kathryn na maging close kapag nagsimula na silang mag-shooting.


Stories We Are Tracking

Sharon in center of word war between Kathryn, JoshLia fans
Sharon in center of word war between Kathryn, JoshLia fans

MAMA SHARON

Sinabi naman ni Julia sa pilot screening na iba ang koneksiyon nila ni Joshua kay Sharon, na tinatawag nilang "Mama Sharon."

Saad pa ni Julia, “At palagi rin naming sinasabi yun kay Mama Sharon, na she's very, very much irreplaceable.”  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabuo ang pagiging malapit ni Sharon sa JoshLia nang magkatrabaho sila sa pelikulang Unexpectedly Yours (2017), na pinagbidahan din ni Robin Padilla.

Mula noon ay naging malapit ang Megastar sa magka-love team at naging vocal ito sa pagmamahal sa dalawa.

Nagpa-block screening pa si Sharon ng pelikula nina Joshua at Julia na I Love You, Hater na ipinalabas noong nakaraang buwan.

THANKFUL

Hindi naman maitago ng JoshLia ang kasiyahan nila ngayong umere na ang kanilang prime-time teleserye.

“Masaya, nakakakilabot, at yung kaba, yung excitement naghahalo lahat.

"Siyempre umere na kami at magtutuluy-tuloy na iyan," komento ni Joshua pagkatapos ng pilot screening.

Sabi naman ni Julia, “Very overwhelming yung feeling. Sobrang saya lang namin ni Joshua.

"Very, very thankful and siyempre nagpapasalamat kami sa lahat ng sumubaybay ng aming pilot episode."


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN