Daniel Padilla says KathNiel will remain solid despite Kathryn Bernardo's new movie without him

IMAGE @kathnielfordpadilla26 on Instagram

Daniel Padilla understands why Kathryn Bernardo needs to do a movie without him. "Siyempre kailangan din yun, minsan kailangan din yun. Bilang isang aktor at aktres, kailangan yun to be able to grow."


Nangangamba ang ilang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na ang bagong pelikula ng young actress kasama sina Sharon Cuneta at Richard Gomez na Three Words to Forever ay hudyat na ng pagkabuwag ng kanilang love team na KathNiel.

Mapapanood ang KathNiel sa The Hows of Us, pero sisimulan na ring gawin ni Kathryn ang pelikulang magsisilbing balik-tambalan nina Sharon at Richard. 

Sa ngayon ay wala pang balita kung may nakalinyang teleserye sina Kathryn at Daniel, na huling nagsama sa prime-time series na La Luna Sangre na nagtapos nitong Marso.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Daniel sa Star Magic All Star 2018 na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Linggo, August 19.

Dito ay tiniyak ng aktor na kahit kailan ay hindi sila mabubuwag ni Kathryn.

Aniya, "Kaysa isipin yung love team, hindi naman kami mabubuwag ni Kathryn."

Excited at masaya raw siyang may pelikulang gagawin si Kathryn na hindi siya kasama dahil naniniwala siyang makakatulong ito sa pag-unlad ng kapareha bilang isang aktres.

Bukas din naman si Daniel na gumawa ng proyekto na hindi rin niya makakasama si Kathryn.

"Yeah, it doesn't mean na naghiwalay naman kami, mayroon na kaming bagong kasama, hindi naman kailangang may partner agad.

"It depends sa story, lalo na itong istorya ni Kathryn ngayon is pasok na pasok.

"It's a family-oriented film, para yun sa kanya talaga. 

"Malay mo ako, after ng movie'ng ito may gawin akong out of nowhere na isang istorya."

Ipinaalam ba sa kanya ni Kathryn ang tungkol sa bagong proyekto nito?

Sagot ni Daniel, "Wala namang formal na nagpaalam sa akin, binanggit lang na may next siya. 

"Excited ako para sa kanya kasi siyempre kailangan din yun, minsan kailangan din yun.

"Bilang isang aktor at aktres, kailangan yun to be able to grow."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GOOD MATERIAL VS BOX OFFICE

Masaya rin si Daniel at ipapalabas na ang pelikula nila ni Kathryn na The Hows Of Us. 

"Siyempre excited. Heto may bago na naman kaming ihahandog.

"Kami nila Direk Cathy [Farcia-Molina], ni Kathryn from Star Cinema para sa ating mga Kapamilya. Heto na."

May pressure ba siyang nararamdaman dahil lahat ng mga pelikua nila ni Kathryn ay naging blockbuster hit?

Aniya, "Well, it depends, kung pera lang ang iniisip natin. 

"Pero ako kasi, mas may pressure ako kung hindi maganda ang materyal ko at ipapalabas natin.

"I think nandiyan naman si Direk Cathy para gabayan kami.

"Kami naman ni Kathryn, isandaang porsiyento ang ibinibigay namin dito sa pelikula na ito.

"Siguro excited lang ako sa reaksiyon ng mga tao."

GOOD SPORT

Ang Team Gerald ang nanalo sa nakaraang Star Magic All Star 2018, kung saan tinalo ng mga ito ang Team ni Daniel.

Hindi man pinalad manalo ay napabilang naman sa Mythical 5 si Daniel; kasama sina Gerald Anderson, Rayver Cruz, at JV Kapunan.

Ani Daniel ukol dito, "I feel like I don't deserve the Mythical Five. Mas may deserving.

"Natalo? Sabi ko nga ang importante, nag-enjoy ang both teams.

"Sa aming mga natalo, okay lang yun, stay positive.

"Next year talagang paghahandaan namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN