Hindi napigilan ni Lani Misalucha na maluha habang nagbibigay ng payo sa nakababatang singer na si Morissette Amon sa press conference ng upcoming concert nilang A Lani Morissette kahapon, August 21.
Mensahe ni Lani kay Morissette, “Mayroon tayong mga priorities sa buhay.
“If you think that this is something that you want to do for the next several years, then do it because this is what you love.”
Pagkatapos ay ipinaliwanag ni Lani na, di tulad ni Morissette, hati na ang kanyang atensiyon nang mag-umpisa siya sa show business.
Sabi ng tinaguriang Asia's Nightingale, “Kasi sa akin, iba yung naging priority ko talaga.
“Bago pa ako lumabas industry, iba na yung priority ko sa buhay.
“Yun na talaga ang inuna ko, which is to nurture my family.
“Kasi may pamilya na ako when I got into show business, so yun ang priority ko.”
Hindi naman daw ito pinanghihinayangan ni Lani.
Aniya, “Ang maganda dun, I am enjoying both worlds—my personal life, which is my family life; and my career.
“Ang maganda lang talaga dun, hindi ko talaga binulusok nang todo-todo.
“Kasi hindi maaaring may ma-sacrifice na isa, e. It's really good that I was able to balance both worlds.”
LANI'S ADVICE
Samantala, dahil single pa si Morissette, pinayuhan siya ni Lani na ipagpatuloy ang pag-develop sa kanyang kakayahan bilang singer.
Sabi ng The Clash judge, “Yung sa iyo, I don't think you're gonna... hindi mo siguro priority ang magkaroon ng relationship at this time, and I don't think anytime you're gonna get married dahil wala naman.
"So go ahead and i-mould mo pa ang iyong craft, ang iyong talent.
“I'm telling you, you already are a very good artist and you're gonna go a long way.”
Sa pagpapatuloy ni Lani, kapansin-pansing tila nag-iba na ang kanyang boses at nagpipigil na maging emosyunal.
“Never, never forget that... bakit nagka-crack ako?” tanong ni Lani sa sarili.
Kasunod nito ay tumulo na ang luha niya habang pinapaalalahan si Morissette.
“Never forget that was given to you. God gave you that.
“All of our talents, all of our skills, were given to us from heaven, it was given to us.
“Anytime it can go away. It can be taken away from you in a snap.
"So you just got to be grateful and always acknowledge the one who gave you that.
“We have to be grateful all the time.
"Especially you, especially now that you're travelling, you always have to ask for guidance and protection that you always have to be safe in everything that you do.”
Bago tapusin ang kanyang pahayag, nilinaw ni Lani na ang sinabi niya ay base sa kanyang naging karanasan noong mga nakaraang taon sa kanyang singing career.
Aniya, “Hindi, kasi minsan nangyari na sa akin yun.
“Minsan kasi masyado na akong busy, alam mo yun, nalilimutan ko na. Nalilimutan ko na, 'Teka muna...'
“Alam mo yun, ganun talaga, minsan unti-unti ka nang lumalakad away from the one that you have to give priority to.
“Nangyayari yun, sana lang hindi dire-diretsong makalimot.
“Nangyari na kasi sa akin yun before, nakakahiya.
“Nakakahiya lang na hindi mo ma-acknowledge yung nagbigay sa atin ng biyaya.”
INSPIRING WOMAN
Nagpasalamat naman si Morissette sa magagandang payo na ibinigay sa kanya ng isa sa mga hinahangaan niyang singer.
Sabi ni Morissette, “Yung nakikita po natin ngayon, just how she's able to manage her life and nakikita pa rin po natin yung passion niya, yung love niya for family, and how God-fearing she is.
“She shows us right now how she values her relationship with God. If that's her priority, everything else will follow.
“Kaya grateful ako to be working with such an inspiring woman, na hindi lang napakagaling sa craft niya pero napakagaling din ibahagi yung life niya sa ibang tao, lalung-lalo na ang relationship niya with God.
“Kaya being a 'millennial,' I think that's something we can never forget, na kahit ang daming success na dumarating sa aming career, dapat hindi pa rin namin makalimutan yung mga taong nandiyan para sa amin from the very start, and of course, yung taong nagbigay sa amin ng boses na ito."