Sofia Andres wants to stop giving a "f*ck" to haters

by Rachelle Siazon
Aug 22, 2018
Sofia Andres on overcoming her anxiety problem: "I didn't expect na being in showbiz is really hard, which is true. Everybody knows that. I'm really an introvert. So I have to adjust, I have to adapt. Here in showbiz, you have to say hi to everybody, you have to smile to everybody. So ako, I'm still learning."

Inihayag ni Sofia Andres, 19, na mas kumportable na siyang ihayag ang kanyang damdamin sa social media kahit pa may ibang kontra sa opinyon niya.

Ito raw ang kanyang paninindigan pagkatapos dumanas ng anxiety at sumailalim sa counselling halos tatlong buwan na ang nakararaan.

Sabi ni Sofia, “Goals? Siguro not to give a f*ck anymore.

“I mean, I’m just being honest.

"I still know how to respect people. But if hindi sila marunong rumespeto, then I’m sorry."

Natutunan daw niyang aminin kung nasasaktan siya o kung kailan wala siyang pakialam sa mga nambabatikos sa kanya sa Twitter.

Paliwanag pa ni Sofia, “I really don’t care what they’re gonna say. Kasi palagi namang may masasabi, e.

“I’m just being honest with how I feel. If I have anxiety, then I don’t give a... you know.

“Kasi may mga tao din naman na nakaka-experience nun, e. Not only me, e. May mga tao talagang nakaka-relate sa akin.

“So yun lang. I’m not afraid.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sofia sa 80th birthday party ni Mother Lily Monteverde, na ginanap sa Crowne Plaza Hotel, Ortigas, Pasig City, noong Linggo, August 19.

ON TOUGH TIMES

Noong Pebrero, nasangkot sa kontrobersiya si Sofia matapos batikusin ng ilang entertainment bloggers ang diumano’y hindi magandang pakikitungo ng aktres sa tuwing nakakasalamuha ito sa media-related events.

Nakadagdag dito ang tweet ni Sofia na nagsasabing “too tired to be nice.”

Matapos ang insidente, humingi ng dispensa si Sofia at inaming mayroon siyang personal “insecurities” at “fear of rejection.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang sa noong Mayo ay isinapubliko niya ang kanyang pagsailalim sa therapy dahil sa anxiety.

STORIES WE ARE TRACKING

Ayon kay Sofia, magkahalong stress sa trabaho at mataas na demands sa showbiz ang pinag-ugatan ng kanyang anxiety.

Lalo't magkasabay raw niyang ginawa ang ABS-CBN afternoon series na Pusong Ligaw at pelikulang Mama's Girl noon.

“Siguro yung working so hard. I mean, di ba may Pusong Ligaw, 'tapos may movie.

“I know, hindi siya masyadong umingay, which is true. But I’m really thankful na nagawa ko yun.

“Na-stress out ako sa mga tao sa paligid.

“And then I didn’t expect na being in showbiz is really hard, which is true. Everybody knows that.”

Aminado si Sofia na marami pa rin siyang kailangang matutunan sa showbiz.

“I’m really an introvert. So I have to adjust, I have to adapt.

“Here in showbiz, you have to say hi to everybody, you have to smile to everybody.

“So ako, I’m still learning.”

ON OVERCOMING ANXIETY

Isang buwang nag-leave of absence si Sofia dahil sa kanyang mental health concern.

Bagamat nakakaramdam pa rin siya ng anxiety, mas kaya na raw niyang i-handle ang sarili ngayon.

Nagpapasalamat daw siya dahil sinuportahan din siya ng ABS-CBN talent arm, ang Star Magic.

Nakangiting dagdag ni Sofia, "Star Magic understands, which is good. They gave me a therapist.

"So, yeah, at least, now I'm doing fine, I'm doing better."

Sa ngayon, nais daw ni Sofia na mag-focus sa kanyang trabaho at magkaroon ng positibong disposisyon sa buhay.

"Sana mas may bago pa. I hope God will give me those kind of roles.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sana mas happy ako. Sana wala ng stress ang life ko."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sofia Andres on overcoming her anxiety problem: "I didn't expect na being in showbiz is really hard, which is true. Everybody knows that. I'm really an introvert. So I have to adjust, I have to adapt. Here in showbiz, you have to say hi to everybody, you have to smile to everybody. So ako, I'm still learning."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results