Kapamilya actor Khalil Ramos posts date photo with Kapuso actress Gabbi Garcia

IMAGE Courtesy: @thekhalilramos / @_gabbigarcia on Instagram

Khalil Ramos on rumored girlfriend Gabbi Garcia: "She's special to me, yes."


Halos isang buwan pagkatapos aminin ng Kapamilya actor-singer na si Khalil Ramos na nagdi-date sila ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia, nag-post ang binata sa Instagram ng date photo nila ngayong Miyerkules, August 22.

Makikita sa post na sa Yardstick Coffee sa Makati City nag-date ang dalawa.

Walang inilagay na caption si Khalil.

Pero base sa comments ng kanyang followers, marami ang boto sa relasyon ng dalawa.






Sa panayam kay Khalil sa Tonight With Boy Abunda noong July 27, sinabi ng 22-year-old actor na malapit nga sila ng 19-year-old Kapuso star.

Bahagi ng pahayag ni Khalil tungkol kay Gabbi, “We’re very close and we go out. And she’s special to me, yes.

“Pero I guess we’re in a stage pa na we’re nothing... we’re not in a rush.”


Stories We Are Tracking

Kapamilya actor Khalil admits dating Kapuso actress Gabbi
Kapamilya actor Khalil admits dating Kapuso actress Gabbi

Kinagabihan, si Gabbi naman ang nag-post sa kanyang twitter account ng kahalintulad na larawan nang ipinost ni Khalil sa Instagram.

Wala rin siyang inilagay na caption. 

Lalo tuloy lumakas ang hinala ng netizens na may relasyon na ang ang dalawa. 


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN