KC Concepcion flaunts French boyfriend online

IMAGE Courtesy: @itskcconcepcion on Instagram

KC Concepcion posts more photos of her French boyfriend, Pierre Emmanuel Plassart, on Instagram. She even turned one of his photos into her cellphone wallpaper.


Hindi pa rin maitago ni KC Concepcion ang sobrang kaligayahan sa piling ng kanyang bagong nobyo, ang French filmmaker-businessman na si Pierre Emmanuel Plassart.

Sa kanyang Instagram Story kagabi, August 22, dalawang posts ni KC ang patungkol kay Pierre.

Una rito ang quote card na may kasamang larawan ng mga kamay na magkapatong, kung saan nakalagay ang katagang: “You’re not rich until you have something money can’t buy.”


Kasunod naman ay ang side profile ni Pierre na kanya raw bagong cellphone wallpaper.

Inilarawan din niya ang French boyfriend na “Guapo.”


Inanunsiyo ni KC ang relasyon nila ng French filmmaker sa pamamagitan ng Instagram noong Sabado, August 18.


Stories We Are Tracking

KC Concepcion proudly posts date night with French boyfriend
KC Concepcion proudly posts date night with French boyfriend
Sharon Cuneta approves of Pierre for KC Concepcion
Sharon Cuneta approves of Pierre for KC Concepcion
KC Concepcion introduces new boyfriend via Instagram
KC Concepcion introduces new boyfriend via Instagram

Ayon sa ilang netizens, dati nang nakarelasyon ni KC si Pierre, pero naghiwalay sila at muling nagkabalikan.

Parang ito rin ang kinumpirma ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram post, kung saan sinabi niya patungkol kay Pierre: “Only too happy to welcome this boy back into our fold.

"Happiest for my baby girl! (You two, this better be it okay? JK!) I love you both. But Tina just much, much more. Hahaha! @itskcconcepcion @peplassart."


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN