Bianca Umali fans defend themselves on Kyline Alcantara booing issue

IMAGE Courtesy of GMA Network Center

Bianca Umali's fans speak up on accusation that they booed and disrespected Kyline Alcantara's performance in Iloilo.


Umuusok ang Twitter world sa pagdidepensa ng solid fans ni Bianca Umali tungkol sa isyu sa idolo nila at nina Kyline Alcantara at Miguel Tanfelix.

Nag-ugat ang isyu sa regional show ng GMA-7 sa Iloilo, kung saan naroon ang tatlong former Kambal, Karibal stars, noong Linggo, August 19.

Kumalat kasi ang balitang habang nagpe-perform onstage si Kyline ay na-boo ito, at may mga nag-thumbs down mula sa audience, dahilan upang maiyak si Kyline sa gitna ng kanyang song number.

Ang pinagbibintangang gumawa umano nito kay Kyline ay ang fans ni Bianca.


Stories We Are Tracking

Kyline Alcantara reacts to alleged rude fans of Bianca Umali
Kyline Alcantara reacts to alleged rude fans of Bianca Umali

Bunsod nito, umalma ang fans ni Bianca.

Sa pamamagitan ng kanilang Twitter accounts ay ipinagtanggol nila ang kanilang mga sarili.   

Ayon kay @charzylainee, “Hi guys! Good evening. I just wanted to let you know that we did not waste our time and spent money on a plane ticket just to travel miles away and embarrass your 'idol.'

“We went there for the sole purpose of showing our love and support to our baby girl Bianca.”

Patuloy ng fan ni Bianca, “We wanted her to know that we’re here for her no matter what the circumstances were.

“We knew then that she has been going thru a lot lately because she was betrayed by her friend whom she loved, and was deeply hurt by someone who meant the world to her.

“And just so you know, we spent our OWN MONEY for the plane ticket just to get there.

"LET IT BE CLEAR that WE VOLUNTARILY went to Iloilo for BIANCA and NOT for KYLINE."

Si Kyline ang pinagbibintangang dahilan ng breakup diumano nina Bianca at Miguel.

FOR PUBLICITY?

Sabi naman ni Kyline sa kanyang Twitter account: “Sorry, I cried in the middle of my performance.

"Sorry, kung may negativity na pumasok dun sa stage while I’m performing. I’m sorry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"All I want is to spread positivity sa lahat. Pero, nakakabastos lang."

Sinagot ito sa pamamagitan rin ng sunud-sunod na tweets ng solid Bianca supporter na si JECA, na may Twitter handle na @JezlieCamillee.

Saad niya, “@2002kyline hi, i just want to clarify some things about the issue bec it’s getting out of control na & I think its better if we will hear it coming from you mismo.

“Tell us what EXACTLY happened last night, on what they did that 'hurt' you or yung 'pangbabastos' na sinabe mo.

“I-justify mo ung sinabi mo. Pls be detailed on it, what’s true and what’s not. Para naman fair sayo & for B’s fans like me not to think na u’re only doing this just for publicity.

“Prove it, specially for those people na wala naman don that time so they won’t assume things lalo na ang fans mo kasi they starting to make stories na hindi naman totoo, like, is it true na may sumampal at sumabunot sayo na fans ni bianca? Kaya I need you to speak up.

“TELL US PAANO KA NABASTOS NG TEAM BIANCA. And how sure you are na its from our team?

“You are a sunflower right? So enlighten me, kyline. Lol. I know you will see this tweet and I do hope you get my point.

“Naniniwala din ako na magsasalita ka and you will not ignore this. Unless, you just did it for your own purpose and for your own good.

“Wag mo hayaan na yon ang isipin namin. At d’end of the day, it’s still your choice. Ikaw na ang bahala kung saan ka. Idc.

“Whether you speak up or not, only God knows the true motives of your heart. He knows good people who tell the truth and reward those who do. Remember that. :)”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi naman ni Jem (@jerimabaluyot2), “Kahit gumastos kami ng malaki or maliit okay lang kase ginagawa namin dahil mahal namin si Bianca at gusto naming mapasaya si Bianca at makabonding ang ibang members ng BE.”

TWO SIDES OF THE STORY

Marubdob namang mga tweet ni Gab (@iamsupergabb):

“I never did this in my entire life just to prove myself to anyone out there. But this is too much. I need to speak for the truth since tweets, posts are spreading false news and accusations.

“THESE ARE THE THINGS THAT I HAVE TO CLEAR UP:

“1. WE DIDN’T GO TO ILOILO JUST TO OPEN UP THE ISSUE AGAIN AND DO SOMETHING AGAINST THE OTHER GROUPS. WE WENT THERE JUST FOR ONE THING, WE WANT TO SHOW OUR LOVE AND SUPPORT TO OUR DEAR BIANCA. SHE’S LIKE OUR LITTLE SISTER. ALSO, SHE DOESN’T KNOW ANYTHING ABOUT THIS TRIP.

"IT WAS REALLY SURPRISE!

“2. NO ONE SPONSORED THIS TRIP. IT WAS AT OUR OWN DECISION TO PUSH THROUGH WITH THIS ILOILO TRIP AND IT CAME RIGHT FROM OUR OWN POCKETS. THERE WAS NO MONETARY DONATION HAPPENED.

“I CAN PROVIDE PROOFS PROVING THAT I, MYSELF, FINANCED EVERYTHING FOR MYSELF. AND MY FRIENDS USED THEIR OWN SAVINGS FOR THIS.

“AND I CAN ALSO SEE POSTS SAYING THAT WE ARE BEING PAID FOR WHAT WE ARE DOING.  FYI, ALL OF THE ADMINS OF BIANCA ARE EARNING THEIR OWN MONEY. EVERYTHING THAT THE ADMINS ARE SPENDING CAME FROM THEIR OWN WALLETS NOT FROM ANY ONE OUTSIDE OR WITHIN THEIR GROUPS.”

Dagdag na tweets pa ng tagasuporta ni Bianca:

“3. I WAS WITH BIANX AND HER HANDLER, KUYA WIL THE WHOLE TIME OF MY STAY IN ILOILO. I CAN ALSO PROVIDE YOU PROOFS THAT I WAS WITH THEM WHEN THE TIME YOUR IDOL PERFORMED ON STAGE. SO HOW CAN YOU SAY THAT I WAS THERE AT THE VENUE?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“4. EVERYONE COULD JUST MAKE THEIR 'OWN' VERSION OF THE WHOLE STORY FOR THEM TO LOOK GOOD TO THE PEOPLE AROUND THEM.

“WE ALL KNOW THAT THERE WILL BE TWO SIDES ON EVERY SITUATION. BUT I KNOW TO MYSELF THAT I’M SAYING THE TRUTH AND I CAN HOLD ON TO THAT.   I WILL JUST LEAVE IT THERE.

“IT’S STILL UP TO YOU IF YOU’RE GOING TO BELIEVE IT OR NOT. GOD BLESS!”

Ang mga tweet naman ni Margee Franckee (@margharhette) ay tila para rin kay Kyline.

“Okay, simulan natin sa case na nabastos si Kyline. Sinasabi na may nag-BOO at may nag-THUMBS DOWN daw habang siya ay nagpeperform. At ang lumalabas na kami, o supporters ni Bianca ang gumawa.

“Sana ay naaalala natin na hindi lamang supporters ni Bianca ang nasa venue.

“Lalo pa at alam nya na siya ang unang magperform. Ilang oras rin naghintay ang mga Ilonggo. Hindi nya ba naisip na isa yan sa mga dahilan why nainis sa kanya ang mga tao.

“Naghintay sayo ang mga tao e at di natin maikakaila na gumastos sila just to be there. Kaya ang hangad nila ay makakita ng magandang show. Lalo pa at ikaw ang mag-oopen ng naturang Regional Tour.

“2nd fact, alam mo na nahuli ka na sa programa. The least you can do is bumawi sa mga ilonggo by means of your performance pero ano ang nangyari. Hindi mo rin ba na-realize na isa rin yan sa maaaring dahilan.”

THROUGH A POEM

Ang supporter naman ni Bianca na si Ron (@RonPahati) ay idinaan sa tula ang pagtatangol kay Bianca at sa kanilang mga fans ng Kapuso actress.

“DAANIN NATIN SA TULA MGA SAGOT SA PARATANG AT MAANGHANG NA SALITA NA NILALABAS NILA.

"SUPORTA, Yan ang aming ipinunta

"Hindi kami magaaksaya ng pera para lang manira ng iba

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di kami gagastos para lang mambastos

"Di kami magaaksaya ng oras para magbigay walang galang

"PAGMAMAHAL, Yan ang aming binigay yang ang aming inihanda yan ay para kay BIANCA

"Kung hindi yon para saknya wala na kaming magagawa

"Kung mali yon sa paningn nya, sana pumikit nalang sya

"Pano yon magiging bastos, sumigaw kami ng bianca kahit hanggang mamaos, yun na naba yung bastos

"Di ko maisip kung paano

"Sobra lang ba yong pagsuporta namin kaya naluha ka nalang bigla o sadyang paawa ka nalang talaga

"SAYA, Yan ang gusto naming makuha at madama yan ang gusto naming ibigay para kay Bianca

"Saya na walang natatapakan na iba

"Saya na walang kapalit

"Saya na sobra at umaapaw kahit hanggang pumikit, iyong maaalala

"Saya na deserve naman namin diba

"Saya na kailangan nya."

Samantala, hanggang ngayon ay nananatiling tahimik si Bianca tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN