Morissette Amon shrugs off "sapawera" tag

by Nerisa Almo
Aug 23, 2018
Morissette Amon says she thinks of her performances as a reflection of her as a singer. She always reminds herself, “Ibigay mo na ang lahat, at least, I knew I gave my best.”

Kibit-balikat lang si Morissette Amon sa madalas na paratang sa kanyang nananapaw siya ng kapwa singers sa tuwing magpe-perform kasama ang mga ito.

Para kay Morissette, ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho kaya pinaghuhusayan niya sa bawat performance.

Aniya, “This is just me lang po, I would rather give my best than not give my best, 'tapos magsisisi po ako sa performance ko.

“Kasi, para magre-reflect sa akin.

“Ako, after ng performance ko, binabalikan ko po yung mga ginagawa ko.

“May mga times din po na nasasabi kong I could've done more. Parang doon pumapasok yung sisi.

"Ibigay mo na ang lahat, at least, I knew I gave my best. I think that's how we are as performers."

Diin pa ni Morissette, “Hindi naman po to the point na sinasadya naming 'as ako,' hindi naman, e.

“We're doing it for ourselves, not for people to compare us. It's not like that.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Morissette at Lani Misalucha sa press conference ng upcoming concert nila, ang A Lani Morissette concert, noong Martes, August 21, sa The Theatre at Solaire.

LANI DEFENDS MORISSETTE

Katulad ni Morissette, nakaranas na rin daw ng ganitong paratang si Lani.

Pero katuwiran ng Asia's Nightingale, "Hindi mo talaga sinasadya, e. Pero iyon yun, e.

“Ako kasi, na-experience ko na rin yun, na nang-a-upstage [ako]. 'Si Lani na nang-a-upstage, si Lani na nagsasapaw.'

“Pero bakit ko gagawin? Ano naman ang ikakaano ko?

"Ganun naman talaga, e. Kasi, kapag nandun na talaga ako, magpe-perform talaga ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang bahagi ng press conference, ipinagtanggol din ni Lani si Morissette sa pamamagitan ng pagpapatunay ng kakayahan nito bilang singer.

Saad niya, “Honestly, if you've seen her performances, I'm telling you, para siyang baterya na hindi nauubos.

“Para siyang baterya na hindi nauubusan ng energy, ng power.

"I mean, kumbaga, dun sa commercial ng Energizer, she keeps on going and going.

“She would be singing this very powerful song. Then, the next song is still like that, and she gives the same energy to the song and the same energy to the next song, whether it be a mellow song or yung mga talagang matataas na songs, ganun.”

May mga naririnig na rin daw si Lani na tila nai-insecure ang ilang kasabayang singers ni Morissette. Pero hindi raw dapat ito gawing negatibo sa parte ni Morissette.

Paglalahad ng The Clash judge, “Nakarating din sa akin ito, I don't know if I'm going to use the word insecure...

“Mayroon din mga singers na somehow na talagang nai-insecure sa kanya, kasi nga that's how good she is.

“Whenever she performs, talagang, 'Ito ako, ito ang ipe-perform ko, ito yung maibibigay ko because this is how I actually sing and this is how I actually perform.'

“Kaya may mga naggaganun sa kanya, and hindi niya sinasadya kasi ganun siya, e.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
Morissette Amon, Lani Misalucha
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Morissette Amon says she thinks of her performances as a reflection of her as a singer. She always reminds herself, “Ibigay mo na ang lahat, at least, I knew I gave my best.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results