Bianca Umali denies posting offensive tweet vs Kyline Alcantara fans

IMAGE @bianxa / @itskylinealcantara Instagram

Bianca Umali (left) on her supposed offensive tweet against Kyline Alcantara's fans: "I have checked my account over and over again and i cant find it on my feed. If only I was this rude, It shouldn't have been deleted."


Inalmahan ni Bianca Umali ang kanyang poser sa Twitter na nagpakalat ng pakikipagbangayan niya diumano sa fans ni Kyline Alcantara, na kilala bilang Sunflowers.

Noong August 20, ni-repost ni Bianca ang pekeng tweet na nagsasabing “deserve” ni Kyline ang mabastos sa gitna ng song number nito sa isang mall show sa Iloilo.

Nakasaad din sa pekeng tweet na nagbitiw ng hindi magandang salita si Bianca laban sa fans ni Kyline.  

Sabi pa sa pekeng tweet, “Sisisihin pa mga BiGuel fans. [Expletive] nyo po mga Sunflowers.”

Ngunit mariin itong pinabulaanan ni Bianca.

Sabi niya, “This tweet posted by my account, was not made by me.

“First, I am not active on twitter. Many of you know that.

“Second, I do not talk like this. I have checked my account over and over again and i cant find it on my feed.

“If only I was this rude, It shouldn't have been deleted.”

Nag-ugat ang isyu noong Linggo, August 19, sa regional show ng GMA-7 sa Iloilo, kung saan naroon ang former Kambal, Karibal stars na sina Bianca, Kyline, at Miguel Tanfelix.

Dito naganap ang insidente kung saan inireklamo ni Kyline na binastos siya diumano ng fans ni Bianca sa gitna ng kanyang solo song number.

Ngunit pinabulaanan ng ilang fans ni Bianca na naroon sa Iloilo na sila ang may pakana ng kung anumang pambabastos na natamo ni Kyline mula sa ibang nanood ng show.

Bago ito ay ilang buwan nang napapabalita ang diumano'y "silent war" sa pagitan nina Bianca at Kyline dahil ang love triangle nila nina Miguel ay sinasabing nauwi sa totohanan.

Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin direktang sinasagot ng tatlo ang kinasasangkutang isyu.


Stories We Are Tracking

Bianca fans defend themselves on Kyline booing issue
Bianca fans defend themselves on Kyline booing issue
Kyline Alcantara reacts to alleged rude fans of Bianca Umali
Kyline Alcantara reacts to alleged rude fans of Bianca Umali
Bianca's cryptic tweets about Miguel, Kyline?
Bianca's cryptic tweets about Miguel, Kyline?


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN