Wala mang balak pumasok ng pulitika si Kris Aquino sa ngayon, pero kung sakali ay hinding-hindi raw siya magiging corrupt.
Ito ang kanyang comment sa Instagram post ng isang user na tinalakay ang pagiging good taxpayer ni Kris.
Ibinahagi ng Instagram user na si @askthetaxwhiz ang screenshot ng artikulo ng Entrepreneur.com.ph, ang “How Kris Aquino keeps as a Crazy Rich Asian after leaving broadcast TV” sa kanyang account kahapon, August 23.
Sa caption, pinuri ni @askthetaxwhiz ang pagiging good taxpayer ng actress/TV host/celebrity influencer.
Nagbigay rin siya ng mensahe sa mga hater ni Kris.
Aniya, “You may hate her guts but @krisaquino is paying her taxes! Among the affluent and influential families in the Philippines, she’s the only consistent individual top taxpayer.
“Glad I’ve watched @crazyrichasians with my good friend Gov. @gracempadaca last night!
“She’s indeed a showstopper!
“So to all bashers and haters, make sure you’re paying taxes before you say a word. At least, Kris is among the #CrazyRichAsians not one of the #CorruptRichAsians.”
Nakarating umano ang post na ito kay Kris sa pamamagitan ng isang kaibigan.
Kaya naman sumagot dito si Kris at sinabing, “I’m at a very far distance from being ‘crazy rich.’”
Bahagi rin ng kanyang comment sa post ang pagpapaliwanag kung paano niya narating ang estado niya ngayon.
Ani Kris, “My mom legally emancipated me when i was 15 so what i earned wouldn’t be reflected on her, ive handled college tuition & allowance from college onward since.
“PS. I also know wealth is relative- but i’m at a very far distance from being “crazy rich “
“I always remind my sons-i was the daughter of a Cojuangco but their lolo was adamant about raising his children to become financially independent & our mom taught us the VALUES of consistent hard work, and being generous about sharing blessings... my sisters & brother are low maintenance-
“I work as hard as i do because of my sons & because we love travel. But let’s be honest- i have a weakness for nice clothes, makeup, shoes & watches- so i make sure to have an investment fund for our expansion...
“The 2 boys & 1,i together w/ our longtime complete staff now have very good medical coverage; and this is my life truth- what you work hard for- you appreciate & devote utmost professionalism to... You have my solemn work.
Sa huli, idiniin din ni Kris na hindi siya magiging #corruptrichasian.
“I have worked for more than 30 years, and no way will i ever became a (corrupt, lazy, money grabbing Asian) if & when politics is part of my dest.”
Kamakailan ay nagbiro si Kris sa isang hater tungkol sa pagtakbo bilang mayor sa Quezon City.
“Kung trip nyo kong bwisitin—you may get your worst nightmare come to life,” sabi ni Kris sa isang netizen na tumuligsa sa kanyang relief effort sa Marikina kamakailan.
Sinabi rin niya ritong may posibilidad pang magbago ang isip niya tungkol sa pagpasok sa pulitika.
Aniya, “Do the political math—in a crowded field of candidates NAME RECOGNITION will matter...
“Kung campaign funds ang labanan-di rin naman ako magpapahuli—wala akong utang kaya kakayanin kong pondohan ang sarili ko.
“And an important plus for me—i have 32 years of BIR tax records that can prove how trustworthy i am about money dahil alam ko na ang pera ng bayan para sa bayan.
“Kaya kong hamunin lahat ng ibang kandidato na maglabasan kami ng ITR para magkaalaman na. Sure akong wala akong magiging problema sa SALN declaration dahil sa malinis na paraan kinita ang pera ko.
“Next point- wala nang bahong pwedeng mahalungkat dahil ang buong kuwentong buhay ko alam ng buong Pilipinas. Wala rin asawang kailangan panagutan ang mga posibleng gawin.”